Abante Tonite Interactive

Jr. Tigresses inari ng Bullpups

By
5

Naligtasan ng reigning two-time champion National U ang UST 25-10, 25-10, 22-25, 25-17 sa rematch ng last year’s finals sa UAAP Season 79 high school volleyball sa Adamson gym kahapon.

Hindi makuha ni MVP Eya Laure ang ritmo at yumuko ang Junior Tigresses sa mas magarang larong Bullpups sa likod nina Joyme Cagande, Faith Nisperos at Thea Gagate.

Angat ang NU sa 4-0 kabuhol sa first place ang De La Salle-Zobel na 25-17, 25-19, 25-16 winner sa Adamson noong Sabado. Laglag sa third spot ang UST sa 3-1.

Abante Hiring – IT dep

Bumawi ang Baby Falcons nang pagdiskitahan ang FEU-Diliman 25-22, 20-25, 25-20, 23-25, 15-13, pasok na rin sa win-column ang Junior Warriors sa bisa ng 25-12, 25-18, 25-14 panalo sa UP Integrated School.

Nasa fourth ang Baby Tamaraws sa 2-3, magkaakbay sa 1-3 ang A­damson at UE. Winless pa sa five tries ang UPIS.