Abante Tonite Interactive

JRU pinatahimik ng CEU

91

Hiniya ng Centro Escolar University-B ang Jose Rizal U 68-56 sa se­cond weekend ng 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa Arellano U gym.

Nang magsimulang mag-rally ang Heavy Bombers, nag-init ang mga kamay nina Paul Galinato, Mohd Sayeed Ascano at Don Tabol para panatliin sa trangko ang Scorpions.
Nangibabaw din ang Perpetual Help-Molino laban sa Colegio San Agustin-Binan 76-68 sa likod ng 14 points ni Jayvee Tizon.

Inakbayan ng Altas ang CEU-A sa tuktok ng liderato sa Group B.

Sa juniors, kinubabawan ng Hope Christian School ang A­damson 80-68, tinakasan ng Letran ang Xavier School 75-70, at pinigil ng Manila Patriotic School ang San Beda-Rizal, 82-76.