Abante Tonite Interactive

Jrue, Kawhi, Klay pahirap kay Young

0 466

Sa anumang sandali, kayang pagliyabin ni Trae Young ang scoreboard.

Kamador ang Atlanta Hawks sophomore, kaya hindi na nakakapagtakang sa kanya lagi itinatapat ang pinakamahigit dumipensa ng kalabang team.

Sa Twitter, may isang fan na nagtanong kay Young: “Top 3 best defenders?”

Hindi nag-atubing sumagot si Young.

“Jrue Holiday, Klay, Kawhi,” aniya.

Jrue Holiday ng New Orleans Pelicans, Kawhi Leonard ng Clippers at Klay Thompson ng Golden State Warriors.

May hugot ang sagot ni Young.

Sa tatlo niyang binanggit, walang panapon sa depensa. Aasawahin ka nila buong 48 minutes kung kailangan para ma-neutralize ang scoring.

Defense ang pangunahing asset ni Holiday, dalawang beses na siyang napasama sa All-Defensive Team.

Hindi masyadong napapansin ang depensa ni Thompson dahil sumasapaw ang kanyang opensa. Splash Brothers, naalala n’yo? Lintik ang kanyang pulso, kapag nasilip ang rim ay bibitaw. Pero ang pinakamaangas na scorer ng kabilang team, kay Thompson din pinapabantay ni coach Steve Kerr. Sa unang pagkakataon sa career, kasama si Klay sa All-Defensive Second Team.

Kung may two-way player, si Kawhi ‘yun. Bago niya binalikat ang scoring ng team, siya ang defensive stopper ng San Antonio Spurs. Dalawa ang Defensive Player of the Year trophies na nasa kanyang cabinet, katabi ang limang All-Defensive Team selections. (VE