Abante Tonite
Mabilis sa Balita

J&T Express lisensya bawiin

0 308

Nanawagan ang publiko partikular na ang mga online seller sa bansa na tanggalan ng lisensya ang J&T Express matapos muling mag-viral sa social media ang bagong video ng umano’y kawalang-ingat ng mga tauhan nito sa paghawak ng mga package na ide-deliver.

Sa bagong video, makikita ang sinasadyang paghahagis ng isang tauhan nito sa package sa isang warehouse ng J&T Express.

Dahil dito, kumbinsido sila na hindi “isolated case” ang nag-viral kamakailan na paghahagis ng mga tauhan ng J&T Express ng mga item sa delivery truck kundi ganoon ang klase ng pagtatrabaho ng mga tauhan ng delivery courier.

Samantala, aminado si J&T Express branding manager Leonardo Alampay na sinadya ng mga lalaki sa unang video ang paghahagis ng mga package sa kanilang truck.

Dagdag niya, ang hindi pagsusuot ng face mask ay isa ring dagdag na basehan para matanggal ang mga manggagawa nila sa trabaho.

Gayunman, isa lang aniya itong “isolated case” na hindi dapat makasira sa pangalan ng kompanya.

Makakaasa rin umano ang publiko na tutugunan ng J&T Express ang kanilang mga reklamo.

Kinontra ng online seller na si Diosa Dela Cena ang sinabi ni Alampay dahil press release lang umano ito.

“Ano J&T? Dami ko na ngang chat sa inyo wala kayong actions. Tumigil nga kayo dyan. Muntikan ko na ngang maging BFF yung page nyo na yan dahil lagi akong may kachat sa messenger nyo!! Nabasag ung order ko tapos ung mga items for pick-up di ninyo kinukuha. Grabe kayo kaya nga nagpa-add na lang ako ng courier. Gigil ninyo ako,” ayon pa kay Dela Cena.

Sabi naman ni Rycel Rañua, amoy tae raw nang i-deliver sa kanya ng J&T Express ang order niya.

“I got my order na and da fuck is di ako nagkamali na baka inaamag na sa bodega nila…kasi di lang amag shittt…amoy tae bes…yung balot at as you can see okay naman yung items…ang di ko gets…nilomloman pa nila sa bodega nila to…nkakapiste talaga.. good thing mabait si seller kundi..ambot nlng.. I’m just posting this guys…baka.may order kau sa Shopee then yung courier is #JnT nku e message nyo na… Kasi kung di ako nagmessage sa kanila nako..d ata didiliver,” reklamo ni Rañua. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.