Abante Tonite
Mabilis sa Balita

J&T Express manyakis rider

0 434

Kakasuhan ng pamilya ng isang online buyer ang delivery service provider na J&T Express at rider umano nitong manyakis matapos itong mag-deliver ng isang paketeng may nakasulat na `F**K ME PLS’ noong Martes ng umaga sa Pasig CIty.

Sa isang post sa kanyang Facebook account, tinukoy ni Clarion Paz-Tanghal ang manyakis umanong J&T rider na si Aljon Calde na pinaniniwalaan nilang sumulat ng nasabing kabastusan sa pakete na naglalaman ng inorder ng kanyang anak sa online.

Sinabi ni Tanghal na mag-isa lang sa bahay ang kanyang anak nang dumating si Calde at idineliver ang order nito.

Bagamat nagulat sa nabasang kabastusan sa pakete, hindi umano kinumpronta ng kanyang anak si Calde sa takot na may gawin itong masama sa kanya. Tinanggap umano niya ang package para agad itong umalis.

Humingi na rin ng tulong sa kanyang Facebook page si Miguel Tanghal, ang kapatid ng biktima, para umapela sa mga awtoridad para sa kaligtasan ng kanyang kapatid.

Alam na umano ni Calde ang address ng kanyang kapatid at nangangamb asila na balikan niya ito at isakatuparan ang masama niyang balak.

Agad na nag-trending ang post ng mag-inang Tanghal at umani ito ng galit na galit na reaksyon mula sa publiko.

“Aba eh hindi lang pala baboy at balagbag sa trabaho ang mga taga-J&T Express, mga manyakis pa. Ang kakapal ng mukha ninyo, ikiskis nyo sa pader yan at huwag ninyong takutin ang mga online buyer. Dapat langtalagang iboykot at tuluyan nang maipasara ang J&T Express na yan. Wala na ngang malasakit sa mga items namin, mga manyakis pa,” ang galit na galit na comment ng isang Leeh Yahn na isa umanong onlineseller at dating kumukuha sa serbisyo ng nasabing courier.

“Magsara na sila at ilabas nila ang manyakis nilang rider,” ayon naman sa isang komento.

Nauna rito ay magkasunod na araw na nag-viral sa social media ang video ng mga tauhan ng J&T Express habang pabalagbag na hinahagis angmga pakete sa delivery truck ng courier ng wala man lang pag-aalala kung ang mga ito ay masisira o mababasag.

Matatandaang nangako si J&T Express brand manager Leonardo Alampay na kakastiguhin nila ang mga abusado at nagkamali nilang tauhan na kabilang sa mga nag-viral na video. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.