Abante Tonite
Mabilis sa Balita

J&T package bistado sa marijuana

0 96

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 4A matapos na makasamsam umano ng marijuana mula sa mga parcel na ipinadala sa isang kilalang courier sa Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa report, dakong alas-2:00, kamakalawa ng hapon, nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Station Investigation Unit-Batangas, PO Batangas at PDEA-4A matapos na makatanggap ng tawag hinggil sa umano’y kahina-hinalang laman ng mga parcel na duma­ting sa warehouse ng J&T Express sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tulong ni K9 Adam, isang sniffing dog, nagpahiwatig ito na kakaiba ang laman ng 13 parcel at nang buksan ang mga ito ay bumulaga umano sa mga awtoridad ang pinatuyong dahon ng marijuana at mga binhi nito na parehong tumitimbang ng 1.2 kilo.

Isang nagngangalang Ethan David Gabriel, umano ang sender ng nasabing parcel habang subject ng follow-up operation ng pulisya ang receiver nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.