Abante Tonite Interactive

Juan Tamad lodi ni Kuya

334

Heloow poh. Hindi ko na ho matiis na ‘di magpadala ng blind item dito. Nabubuwisit kasi ako sa eldest brother ko, wala silang pinagkaiba ni Juan Tamad.

Ako nga pala si Tina ng Brgy. West Rembo, Makati City. Si Kuya Ben, 43, eldest namin ‘yan. Maganda ang trabaho niya dati, ma­na­ger dati iyon sa sikat na coffee shop kaya gumawa ng anomalya kaya ayon nasisante, wala nakuha kahit ano.

Mula nang matanggal, aba’y hindi na naghanap ng trabaho, ginaya na si Juan Tamad, kain tulog na lang ginagawa sa bahay, tagahatid ng mga mga anak niya sa school. House husband na nga siya. Iyong asawa na lang niya ang kumakayod. Kawawa nga kasi lahat sa kanya, walang maitulong si Kuya Ben dahil ‘di na nagtrabaho.

Sabi pa niya, wala na raw tatanggap sa kanya dahil matanda na siya.

Sa isip-isip ko naman, talagang tamad ka lang. Dahil kapos sila, kulang talaga ang kita ni Ate Josie, asawa ni Kuya kasi employee lang naman, ordinary lang. Tama nga lang. Ito si Kuya naman ‘di nahahalata.

Katwiran niya, may ibinibigay namang tulong sina Mama at Papa, na parehong nasa US na nagpapadala sa kanya ng $300 every month. Tatlo ang anak niya isang nasa high school, dalawa sa elementary. Naiinis na nga ang parents ko sa pagpapadala ng pera kay Kuya. Kaso itong naman si Kuya ayaw talagang maghanap ng trabaho, puro laro na lang sa playstation, parang bata.

Hindi mo nga maasahan sa bahay, si Ate pa ang naglilinis.

Sa paglaba ganoon din. Pagluto lang ang alam. Kain, tulog, laro ng playstation, ganyan siya everyday. Madalas nga siyang inaaway ni Ate kaya lang dedma lang si Kuya, ‘di na nahiya.

Next year college na ang panganay ni Kuya Ben at plano ng parents ko na putuluin na ang padala nila sa kanya. Mahirap daw kasi ang buhay sa Amerika ngayon. Si Kuya, ‘di naalarma sabi di raw mangyayari ‘yun. Hay naku utak talaga ni Kuya baluktot. Bwisit ‘di pa ba? Salamat at more power po sa inyong lahat!
Tina