Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JuanBie ‘wasak’ kina Diego, Barbie

0 94

NI: MILDRED BACUD

Broken hearted, ganito ilarawan ng mga fan ng JuanBie (JM de Guzman at Barbie Imperial) ang kanilang nararamdaman.

Sa pag-amin kasi ni Diego Loyzaga ng kanilang relasyon ng aktres last January 1 ay nangangahulugan na dapat nang sumuko na ang mga fan ng JuanBie.

SM food to go Banner Ad

Sabay na sinalubong nina Diego at Barbie ang bagong taon sa isang resort sa Bohol.

Isa sa solid fan ng JuanBie ay si Mommy Merly na close sa parehong pamilya nina JM at Barbie. Bahagi ng kanyang post, ” Ito pinakamahirap talaga ‘yong magmahal ka ng loveteam na halos umasa ka na talaga sa totoo lang feeling ko ngayon ako ang broken hearted pero wla tau magagawa dahil hindi natin hawak mga puso nila.Ang magagawa na lang natin unawain sila.”

May mga panahong umasa talaga sila na magkakabalikan pa sina JM at Barbie dahil may mga pagkakataon no’n na nag-usap na sila .Ayaw nilang maniwala na may relasyon ang aktor kay Ria Atayde. Pero ngayong may aminan na sa part nina Diego at Barbie, it’s about time na tanggapin na rin ng mga fan ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.