Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday, Allen target ang Oscars

0 368

RODEL FERNANDO: Kumpirmado na ang pelikulang Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon na napisil ng Film Academy of the Philippines para ipadala sa Oscars. Sana suwertehin na mapili ang pelikula para naman magkaroon na ng award ang Pilipinas sa kategoryang Best International Feature Film.

Ang aktres na si Vivian Velez ang namumuno ngayon ng FAP at hindi siya tinatantanan ng intriga sa kanyang posisyon. Malakas lang umano siya sa gobyerno kaya siya naging Chairman nito. Kilala kasi ang aktres bilang tagasuporta ni Pangulong Duterte. Maski ang pagkakapili sa Mindanao ay binibigyang kulay. Isa raw kasi sa ahensiya ng government ang nagprodyus umano nito kaya hindi na ito nahirapan.

Pero in fairness kay Vivian, may kaalaman naman siya pagdating sa pelikula. Hindi lang naman siya pinulot kung saan lang tsaka matalino ang aktres kaya may K siyang mamuno sa FAP.

Hindi naman siya katulad ng ibang namuno dati na namumulitika na kapag ayaw o galit sa isang artista ay hindi ka raw makakapasok kahit maganda ang pelikula mo.

Sa mga kumukuwestiyon naman sa pagpili sa Mindanao ay sorry na lang sa inyo. May karapatan naman ang movie na kinilala na sa prestihiyosong Cairo International Film Festival. Isa pa, kilala ang direktor nitong si Brillante Mendoza sa world cinema.

ROMMEL PLACENTE: Bongga ang Mindanao nina Juday at Allen, dahil ito ang napili ng FAP .

Pero in fairness sa nasabing pelikula,maganda naman talaga ito. In fact, gaya nga ng sabi moka-Cuatros na Rodel, kinilala ito sa Cairo International Film Festival.Pero ang tanong,sa Oscars kaya ay makalusot ito? Alam naman nating mahirap makapasok dito. Ilang attempt na tayo,pero wala ring nangyari, ‘di ba?Pero dapat ay think positive na lang tayo na this time ay makasama na ang isang Pinoy movie sa Oscars.

At kung mangyayari ‘yun at halimbawang hindi naman ito makakuha ng award, e isang malaking karangaalan na rin ‘yun para sa bansa natin.

May tanong lang ako mga ka-Cuatros,how true na dati ay nagparamdam ang Oscars sa FAP na isali rito ang pelikula ni Nora Aunor na Flor Contemplacion? Pero hindi naman ‘yun isinali ng FAP. May isang member daw kasi nito ang galit kay ate Guy. Totoo ba ‘yun?

MILDRED A. BACUD: Wala pa ngang pelikulang Pilipino na nanalo sa Oscars o na nominate man lang.Sana maiba ang maging kapalaran ng pelikulang Mindanao. Kahit kasi pinili siya ng Film Academy of the Philippines na ipanlaban, wala pa ring assurance na makakapapasok na siya as nominee sa kategoryang Best Foreign Language Film sa Oscars.

Humakot man kasi ng maraming awards kasama na ang prestihiyosong Cairo International Film Festival, hindi natin alam ang sistema ng pagpili o taste ng mga hurado sa Oscars. Ang dami rin kasing pelikula ang kalahok sa iba’t ibang bansa.

Unahin muna siguro natin ipagdasal na mapabilang ang Mindanao as nominee bago manalo.

Pero malay naman natin di ba. Iba rin kasing level of acting ang binigay nina Juday at Allen sa pelikula at award winning pa ang director na si Brillante Mendoza.

Goodluck sa pelikulang Mindanao.

ROLDAN CASTRO: Sana may pondo para ma-promote ang pelikulang Minadanao para mapansin at makalusot sa Oscars.

Alam mo naman na bahagi ng sistema na kailangang umingay ang naturang pelikula sa nasabing international filmfest.

Hoping na makalusot ito dahil makukumpleto na ang pagiging best actor at best actress nina Judy Ann Santos at Allen Dizon pag umabot sila sa Oscars. Ganoon din kay Brillante bilang director.

Di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.