Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday, Bea, Liza, Angel kumasa sa hamon

0 773

Para sa women empowerment ang pangmalakasang black and white photos ng mga kababaihan. Siyempre pa, ang ating local celebrities, especially the most empowered femmes, talagang hindi lang ready for their close ups, kumasa talaga sila sa hamon para ipakita sa buong sansinukob na iba talaga ang gandang Filipina.

Ang diva that you love, ang ilang sa mga paborito, ang kay Judy Ann Santos-Agoncillo. Captured sa kanyang b &2 photo ang hindi pwedeng ikailang kaligayahang kanyang nadarama from within. Ang bungisngis ni Juday, wagas at hatid ang good vibes. Panalo rin ang paalala niya na: “choose to be happy.”

Si Bea Alonzo naman, ang piniling larawan na ibahagi, parang eksena lang sa pelikula. Sa likuran niya, isang vintage phone booth, wind blown ang hair na inaayos ng kanyang kamay at nakatingin sa kung saan na para bang may sinisipat.

Si Liza Soberano naman, picture perfect! Naka-white sundress, mamahaling sunglasses at nakaupo sa damuhan na parang on top of a hill ang kanyang location. Parang siya ang anak na dalaga sa classic film na “The Sound of Music,” huh!

At siyempre, every inch the super woman that she is ang nag-iisang Angel Locsin sa kanyang picture that showed her sexy back at ang kanyang best accessory, ang kanyang ngiti ng tagumpay.

Kaya most appropriate ang reaksyon ng follower niya na: “So beautiful on the outside, but even more on the inside. That’s the true wonder of this one extraordinary woman, a real Darna if there ever is one.”

Ang Challenge Accepted Black and White photos from all the powerful feminine ay tunay na kapuri-puri. Panalong pagpapahalaga ito sa mga kababaihan.

JC pinaluha ang mga bading

Hindi na kataka-taka kung naging trending topic ang pangalang Mico sa Twitter. Si Mico, ang katauhang ginagampanan ni JC Alcantara sa BL dramang “Hello Stranger.”

Juice colored! His pain was just too real. Halos lahat ng baklang nagmahal, naging karanasan na iyong hindi mo sinasadyang makita ang lalaking mahal mo na kasama ang babaeng mahal niya. Na pilit mong iwinawaksi ang iyong nararamdaman, dahil nga sa pakiwari mo hindi ito tama .Grabe ang feeling mo na durog-durog at wasak ang iyong puso.

All of these emotions, time cannot just erase them from gay men na naramdaman na ang sarap at sakit ng pagmamahal and boy oh boy, Alcantara nailed it all!

Parang the 6th episode show kung gaano kahusay itong si JC. He is ably supported by Tony Labrusca as Xavier and the rest of his friends in the BL drama, pero talagang this was his one moment in time to shine.

Last two episodes na ang Petersen Vargas BL series after the one shown the other day. So, kung paano maayos nina Mico at Xavier ang kanilang awkward part of their friendship at kung nipped in the bud na ba talaga ang kanilang romance, naku super wait and see tiyak ang lahat . Super relate pa naman ang karamihan sa mga ganap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.