Juday biktima ng scammer

718

Lukang-luka na si Judy Ann Santos sa fake news na kumakalat sa kanya at ginagamit ang pangalan niya para makapag-promote ng mga slimming product sa online.

Last year pa ay inirereklamo na ni Juday ang tungkol dito pero hindi pa rin pala tumitigil at ngayon nga ay may bago na naman.

Pinost ni Juday ang screenshot ng larawan niya na may hawak na bote ng slimming product at may statement pa siya sa naturang ad tungkol sa pagiging epektibo nito.

Sa isang picture nga ay magkasama pa sila ni Sarah Geronimo kaya pati si Popstar ay nagagamit na rin pala sa ganitong scam.

Caption ni Juday, “Nakakaloka… 2020 na hindi nyo pa rin ako tinatantanan.. sa lahat ng nagtatanong.. kahit anong makita po ninyong ads na lumalabas sa mga facebook pages ninyo, HINDI TOTOO !! Mapakape pa yan o pills o kahit na anong klaseng pampapayat ay HINDI KO GINAGAMIT AT HINDI KO INIENDORSO!”

Ayon pa sa aktres ay gumagawa na sila ng legal action tungkol dito.

“We have reported this site already, and our lawyers our doing the necessary legal actions to take down these fraudsters!” aniya.

Binalaan din niya ang publiko partikular na ang mga netizen na huwag maniwala sa mga ads na ito unless siya mismo ang mag-post.

“DO NOT BELIEVE THESE FAKE ADS! Nakikita ninyo kung ano ano ang mga productong totoo kong ginagamit at iniendorso.. hanggat hindi mismong sa ig feed ko lumabas at hindi sa akin mismo nanggaling.. ibig sabihin hindi totoo..#notoscams,” pagtatapos ng aktres.

Kung bakit nga ba paboritong biktimahin si Juday ng mga scammer. Sa pagkakatanda nga namin ay maraming beses na siyang nag-post ng disclaimer sa mga lumalabas na fake ads niya sa internet.

Tampuhang Jennylyn-Dennis dadaanin sa kanta

Habang papalapit ang first Valentine concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na CoLove Live, aminado ang Kapuso Ultimate Star na talagang kinakabahan na sila.

“Kinakabahan kami kasi first time naming magso-show together, tapos ‘yung mga songs eh medyo dibdiban kaya ayun, puspusan ang paghahanda naming dalawa,” sey ni Jen.

Ang dami raw nilang duet songs sa concert at talaga raw pinag-isipan nilang mabuti ang lahat ng kanta. At lahat daw ng songs na aawitin nila ay may connection sa love story nilang dalawa mula umpisa hanggang sa kasalukuyan. Pati pagtatampuhan at pag-aaway na naganap sa kanila in the past ay dadaanin nila sa kanta.

“Parang dadalhin namin kayo du’n sa journey talaga sa love story,” she said.

When asked kung bakit sobrang dami ng guests nila, aniya ay gusto raw talaga nilang maging memorable ang show na ito para sa lahat ng tao.

“At gusto rin naming mai-showcase ang talent ng mga guests like sina Nar Cabico, sina Gerald Napoles, Kim Molina na mga good friends talaga namin,” aniya.

Sobrang happy rin nila na napagbigyan din sila ni Alden Richards, Alex Gonzaga at iba pang bigating pangalan.

“Gusto naming maging sobrang fun at in-love itong show na ito,” sambit niya.

Sobrang na-happy rin si Jen na sa kabila ng pagka-busy ni Alden ay hindi sila nahirapan na kunin ito para mag-guest sa show. Pumayag daw agad ang aktor nang kausapin nila.

Sa Feb. 15 na gaganapin ang CoLove Live sa New Frontier Theatre at nakakatuwa nga dahil almost sold out na ang tickets.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...