Abante Tonite Interactive

Juday, gusto sanang sulsihan ang alampay ni TITO ALFIE

By
15

GUSTO mang sundin ni Judy Ann Santos ang hiling ng namayapa niyang manager na si Alfie Lorenzo, hindi niya ka­yang sundin lahat.

Sa huling pagkakataon, dapat din daw makita ito ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi kasi pumupunta­ si Tito Alfie sa mga ­burol ng mga kaibigang nama­yapa.

Naaalala ni Juday, sinasabi sa kanila na kapag siya ang pumanaw, mas gusto ni Tito Alfie na i-cremate siya agad at huwag nang pagburulan.

Kuwento ni Juday, “Halimbawa, kapag may mga malalapit siyang kaibigang namamatay, tapos may mga pagpag tayong ginagawa, kikitain siya somewhere. Kasi, ayaw niyang nakikipaglamay.

“So, palaging in passing, sinasabi niya na, ‘O, ako talaga, pag namatay, ayoko talaga nasa ataul ako. Ayokong makita ako ng mga kaibigan ko.

“Gusto ko, maalala nila, maingay ako. Maalala nila, magulo ako. Ayoko ng ganyan-ganyan.

“So, hinihintay ko na lang na bulabugin niya ako sa panaginip ko at talakan niya ako, kasi, kitang-kita siya, o.

“Kaya nilagyan ko na lang siya ng shawl. Kasi, alam kong ayaw niya ‘yung plain na barong. Gusto ko nga sanang sulsihan ng glitters ‘yung shawl.”

Inilagay pa rin ni Juday ang sumbrerong la­ging suot ni Tito Alfie, ang salamin at ang prayer book na lagi nitong dala.

“Gusto ko pa ngang ilagay sa tabi ‘yung slot machine, eh,” pabiro ­niyang pahayag.

Aminado si Juday na nagkatampuhan sila ng namayapang manager, pero nagpapasalamat siya na nagkaroon sila ng sapat na panahong nakapag-usap, naglabasan ng sama ng loob at nagkapatawaran.

“Actually, ‘yung last na pag-uusap namin ni Tito Alfie, maayos, ha? Baka isipin ng mga tao na may hidwaan kami.

“Personally, sa paniniwala ko, maayos akong nakapagpaalam sa kanya.

“Maayos akong ­nakapag-sorry. Kaya siguro rin wala ako ­masyadong hinaing.

“Kasi, alam ko sa sarili ko na at peace akong nagpaalam sa kanya, at nagpasalamat ako sa kanya.

“I was able to say ­everything that I wanted to tell him. Lahat ng sama ng loob, lahat na pagpapasalamat, nasabi ko.

“Kahit naman… alam mo naman, mag-aama, mag-iina nagkakaroon ng tampuhan.

“Alam n’yo naman ang mga tampuhan namin ni Tito Alfie, 10, 14, 15 years ago, live kung tala­kan ako niyan. Walang humpay,” pahayag ng actress/TV host

Marami siyang na-miss kay Tito Alfie, pero syempre, hindi niya makalimutan ang madalas na pagtatalak sa kanya.

“Siguro, mami-miss ko ‘yung pagmumura niya sa akin, saka ‘yung pag-gate crash niya sa presscon, saka ‘yung pag-walk out niya sa presscon kapag hindi siya naimbitahan, ganu’n,” natatawa niyang pahayag.

Sabi pa niya, “Mami-miss ko siguro ‘yung iniiwasan ko siya para hindi niya ako matalakan sa harap ng maraming tao.

“Siguro, mami-miss ko ‘yung mga mura niya sa akin sa cellphone.

Alfie Lorenzo
Alfie Lorenzo

“Siguro, mami-miss ko rin ‘yung kinakabahan ako pag nakita ko ‘yung pangalan niya sa telepono ko.

“Pero siguro, dapat burahin ko na. Baka makita ko ‘yung pangalan niya, baka lalo akong kabahan.

“Baka himatayin ako.”

Alam daw ng lahat na cariño brutal lang iyun ng namayapang manager.

“Kahit nagkaroon kami ng hidwaan ni Tito Alfie, hindi mo maalis ‘yung thought na he is a good person. Cariño brutal lang talaga siya sa maraming tao.

“Kung gaano kalaki ang hate niya sa ‘yo, ganu’n din kalaki ang pagmamahal niya sa ‘yo.

“So, kaya feeling ko, deserved din naman na makita ng mga tao si Tito Alfie, lalo na ‘yung mga natulungan niya para makapagpasalamat sila,” tugon ng 39 y/o Kapamilya actress.