Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday hindi atat kay Piolo

0 326

Kung si Piolo Pascual ay walang reservations na tanggapin ang isang proyektong magsasama sa kanila ng kanyang love team partner noon na si Judy Ann Santos, iba naman ang pananaw ng aktres.

Sa isang panayam kasi, sinabi ni Piolo na kung tinanggap ni Juday ang Philippine adaptation ng Dr. Foster at in-offer din sa kanya ang role ng philandering husband, hindi na siya magdadalawang-isip na tanggapin ito.

Nasabi niya ito dahil malaki raw ang utang na loob niya kay Juday dahil naging instrumento ito para makilala siya bilang magaling actor.

Para kay Juday naman, may requirement siya kung sakaling pumayag siyang makatrabaho muli si Papa P.

Isa raw sa factor na ikukunsidera niya ay ang istorya ng pelikula o teleserye.

“It must be something “worth watching and worth waiting,”aniya. “Kasi kung gagawa kami ng project na puchi-puchi lang, para lang magsama kami, parang unfair naman iyon sa pangkalahatan. Parang hindi tama, hindi tugma at hindi akma na, ‘Gawin natin ito kasi gusto ng mga fan,” dugtong niya.

Dahil dito, nasabi ng kibitzers na hindi atat ang tinaguriang dating teleserye queen na makatrabaho si Piolo.

May ilan namang nago-opinyon na kung istorya ang main consideration nito, siguradong hihilingin nitong wala silang kissing o love scene ni Papa P.

Hanggang ngayon, iniintriga pa rin na marahil sa selos ni Ryan kay Papa P. kaya hindi na nagkabalikan pa sa isang proyekto ang dalawa.

Pagtatanggol naman ng ilan, marahil ay ginagawa raw ito ni Juday bilang pagrespeto na rin sa kanyang mister.

Matatandaang mula nang ikasal sina Juday at Ryan noong 2009 ay hindi pa sila muling nagkakatrabaho dahil ang mga sumunod na mga teleserye at pelikula ng una ay sina Derek Ramsay, Sam Milby at ang mister na si Ryan Agoncillo ang mga naging katambal nito.

May million dollar question tuloy ng ilang netizens kung bakit di pa feel ni Juday na makipagbalikan kay Papa P.

@@@

Ryan may selos factor kay Papa P

Sa panayam naman kay Juday ni G3 San Diego, natanong sa aktres kung in-offer ba sa kanya ang naturang role na napunta kay Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Juday, unfair daw naman na nagkomento pa siya dahil nirerespeto niya si Jodi.

Aniya, bahala na lang daw ang ABS-CBN management ang magbigay ng pahayag ukol dito.

Sa vlog naman nina Mama Oggs at Mama Loi, napag-usapan naman kung bakit bantulot si Juday na makatrabaho muli si Papa P.

Natanong ni Mama Loi ang talent manager kung may nakaraan daw ba ang dalawa.

“Ang alam ko, yung tipong naudlot, or naging sila, or papunta na dun bago maging sila, naudlot lang. Tapos nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nila, si Judy Ann at si Piolo,” sey ni Mama Oggs.

Gayunpaman, ito raw ay noong kasagsagan ng kanilang loveteam.

“Pero siyempre parang as time went by, siyempre tumatanda na sila kaya kinalimutan na nila yan. Pang-teenager ‘yun nu’ng araw. Ngayon ano na sila, mature na sila masyado,”paliwanag niya.

Naurot din kung ang dahilan daw ba ay ang pagiging seloso o pagseselos ni Ryan kay Piolo.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang alam ko kasi dati, may konting…(selos) .

Yun ang mga lumalabas noong araw. Tsaka medyo alam ko mahigpit. Medyo istrikto si Ryan. Pag family, family, ganyan. Focus sa family. Di naman natin masisisi si Ryan kung ganun siya,” esplika ni Ogie.

Aniya, dasal na lang niya na balang araw ay muling magkatambal ang dalawa sa isang proyekto.

“Basta ipagdasal na lang natin na minsan naman eh pagbigyan tayo na Piolo, Judy Ann, balik-tambalan sa teleserye o sa pelikula, diba?” pagtatapos niya.

@@@

Robi nag-ilusyong maging Rico Yan

Busy these days si Robi Domingo sa pakikipag-collab sa vlogs.

Napag-usapan ang journey ni Robi sa Star Magic.

Aniya, ang pangarap lang daw niya noon ay maging isang doctor pero ang mother daw niya mismo ang nagkumbinse sa kanyang subukan ang PBB.

Mula PBB, marami raw nangyari sa kanyang quest habang hinahanap pa niya ang kanyang inner voice.

Noong una raw siyang i-meet ng mga executives ng ABS after his PBB stint, ang una raw tinanong sa kanya ay kung ano ang gusto nitong pasukang larangan.

Sey niya, gusto raw niya noong maging next Rico Yan.

Nasubukan naman niya ang pag-arte.

Katunayan, napasama siya sa seryeng “My Girl”noon with Kim Chiu.

Pero, hirap daw talaga siyang umarte noon dahil hindi siya makapag-pokus.

Ilang beses na rin daw naiyak dahil nahirapan talaga siya sa pinagagawa sa kanya.

Bida pa niya, doon daw niya na-realize na hindi pala para sa kanya ang pag-arte.

At doon na raw nagsimula na malinya siya sa pagho-host.

Greatest influence raw niya noon sina Luis Manzano, Iya Villania at maging si Bianca Gonzales.

Speaking of lovelife, happy na raw siya sa piling ng kanyang girlfriend na si ‘Maiqui Pineda.

Aminado rin siyang seloso siya.

May mga pagkakataon nga raw na inaatake raw talaga siya ng selos at halos sinisilihan ang tumbong kapag may nasa pagtitipon si Maiqui sa piling ng mga barkada kung saan present din ang exes nito.

Pero, na-realize raw niya na importante ang magtiwala ka sa iyong partner para mag-work ang inyong relationship.

Leave A Reply

Your email address will not be published.