Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday, Jolina mas sariwa kay Claudine

0 1,025

NI: ALWIN IGNACIO

Sa isang Instagram photo, may larawan ang dating pinakasikat na Barretto, si Claudine na kasama ang relatively young at studlet na may biloy, si Jameson Blake.

Nagka project sila together, sa MMK, kung saan lesbian aunt siya at adoptive mother ni Jameson. Marami ba ang nanood at natuwa sa pinagsamahan nila? Kasi, kung pangmalakasan at matagumpay ang kanilang pinagsamahan, eh di sana, pinagpapasa-pasahan na ang chika kung gaano ito kaganda at mas special pa sa special halo-halo kaya ang mga tao, may clamor na pagsamahin pa sila muli at agad-agad. Parang wala namang ganun.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kapansin-pansin sa larawanang vibe nina Barretto at Blake, sorry to disappoint the fandoms of Clau-Clau, hindi sila pang cougar at cub. Hindi rin pwedeng pang May-December ang eme. Mas tiyang at pamangkin ang kanilang datingan. At pwede pa ngang ninang at ang una niyang naging inaanak sa binyag, at hindi sa kumpil, binata na.

Oh my gulay! Anong nangyayari kay Claudine? Kailangan na niya bang magpalit ng brand of collagen supplements dahil hindi na pwedeng ikaila na time is catching up on her, as in super quick.

Sa mga kasabayan niya, kung ikukumpara ang kanyang face kina Judy Ann Santos-Agoncillo at Jolina Magdangal-Escueta, parang maniniwala na ba tayo na she is not in a happy place?

Naku, Claudine, baka high time na magpaturo ka na sa Ate Gretchen Barretto mo kung sino talaga ang bonggang salamat po doctor Botox beauty para naman mapigilan ang ravages of time na hindi na pwedeng ikaila. Hindi ka pa naman siguro dapat maging candidate sa stem cell therapy para mas maging fresh as a morning daisy ulit, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.