Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday karibal ni Jodi

0 407

Si Jodi Sta. Maria nga ba ang pinakamahigpit na karibal ni Judy Ann Santos para sa Philippine adaptation ng “Dr. Foster?”

Malakas ang bulung-bulungan mula sa pangkat katkatera na kay Sta.Maria dapat mapunta ang katauhan ni doktora, ang babaing the last to know na siya pala ay pinagtaksilan.

Sa totoo lang tayo, ang mga namamahala sa karera ni Jodi, dapat ipaghinga muna siya sa isang teledrama dahil nga hindi naman pwedeng ikaila na tinodo na niya talaga ang kanyang melodramatic prowess sa “Ang Sa Iyo Ay Sa Akin.”

Emotionally draining at taxing to be in the shoes and the character of Marissa lalo na nga’t grabehan ang kanyang revenge energy that she had to carry and contain, hindi ba naman?

Wiser move kung ang ganyang susunod na proyekto ay sa pelikula naman na kung maari sana, lighter far. A romantic comedy perhaps? O kaya a romantic drama na walang masyadong sampalan at hindi mauuwi sa trahedya? Dapat matanggal ang melodramatic excesses ni Sta.Maria dahil baka lang pang Marissa na lang ang acting na ipapakita niya.

Hindi makatarungan kung masyado siyang pipigain sa isa na namang TV drama. She deserves a respite.

Kaya sa mga team katkatera, maawa at tantanan niyo muna si Jodi Sta. Maria, pwede?

Sa team dalahira naman na dinudunggol-dunggol ang pangalan ni Sue Prado para mapunta sa kanya ang katauhan na kabit. Huwag na i-push. Kahit nga kay Lourdes Virginia Poe hindi bagay ang katauhan dahil tulad ni Sue, hindi na sila “sariwa” sad to say.

SM food to go Banner Ad

Ivana bagay na kabit

Ang best na maging kabit ay ang bathalumang si Ivana Alawi. Kahit sinong babae, pag nalamang si Alawi ang kabit ng asawa niya, may chance na ikabaliw niya talaga at alam na alam mo na agad kung bakit. Hindi na kailangang sauluhin pa kung bakit.


Robin supot ang paghamon

Pahiyang-pahiya si Robin Padilla sa kanyang bagong paandar. Kung ano ito, nagkalat naman sa social media ang kanyang bagong basurang hamon.

Hindi na kailangang ulitin pa at ipaala sa lahat ang kanyang ideyang tunay na wala sa hulog at katwiran. Saan ka naman nakakita na hinahamon ang mga personalidad na may pangmalakasang kritisismo , lalo na sa mga may matatalinong pahayag tungkol sa usapin sa ownership sa West Philippine Sea na may pinagtibay na ngang desisyon na ang Pilipinas ang nagmamay-ari.

Sa Twitter at Facebook chronicled at documented ang “trajectory of humiliation” ni Padilla mula sa isang high ranking naval officer.

Sa nangyaring pangsosopla sa maangas na hamon sa action star, nagpaumanhin ito sa opisyal. Ano ang napatanuyan ng kaganapang ito? Isang buhay na patotoo na walang katwiran ang katwiran ni Robinhood Ferdinand Padilla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.