Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday, Maja dawit sa ober da bakod ni Bea

0 219

ROMMEL PLACENTE: Nagkalat sa social media ang post na ganito,”An award-winning actress will soon be a Kapuso!”

Well,ang hula ko mga ka-Cuatros ay si Bea Alonzo ‘yun.Tugma kasi kay Bea ang sinasabing award-winning actress di ba? Hindi na nga kasi mabilang ang acting awards na napasakamay niya.Plus,noon pa napapabalita ang paglipat niya sa Kapuso network.

Hindi nga lang matuloy-tuloy noon dahil mataas daw ang asking price ng aktes.Pero siguro, nagkasundo na sila sa talent fee kaya tuloy na umano ang paglipat nito sa kanila.

Kung si Bea nga ang tinutukoy ng Siyete,posibleng magkatrabaho uli sila ng ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.

RODEL FERNANDO: May naglilitawang pangalan nga na bukod kay Bea ay sina Maja Salvador at Sylvia Sanchez raw ang lilipat sa Kapuso Network. Isa raw itong award winning actress pero malabong si Sylvia ‘yun dahil sinabi niya na hindi niya iiwan ang Kapamilya Network.

At sa hulang si Maja raw ay parang hindi rin dahil may mga existing show pa ang dalaga sa TV5. Mukhang happy naman siya sa dalawang show niya sa Singko na isang teleserye at isang talent show. Pero naniniwala ako ka-Cuatros na darating ang araw ay lilipat din si Maja sa channel 7 pero hindi pa ngayon.

SM food to go Banner Ad

Pero teka lang, may nabasa ako na si Meryl Streep daw ang bagong Kapuso? Totoo ba ito at magkakaroon siya ng show sa network? . Of course baka canned program na ito na i-eere sa higanteng network. Award winning actress din naman kasi si Meryll at kilalang international at greatest actress.

MILDRED A. BACUD:Kung award winning actress ang sinasabing lilipat sa Kapuso network, posible rin kasing si Judy Ann Santos ‘yun. Sa hanay kasi ng mga hinuhulaang aktres, parang siya kasi ang maraming awards.

Pero kung iisipin ilang beses na rin napabalitang lilipat si Juday sa Kapuso pero hindi naman natutuloy. Laging sa dulo ay pinapahalagahan pa rin niya ang relasyon sa Kapamilya network. Kaya puwedeng ganun pa rin ang mangyari na tulad ng ibang artista hindi iiwan ang ABS -CBN lalo na sa mga panahong ito na wala silang franchise. Sasamahan pa rin nila ang Dos hanggang sa makabangon.

Kung mangyari nga na si Juday ito, wala namang masama. Matagal na rin naman siyang walang serye sa Dos. Pero di naman siya pinapabayaan.

ROLDAN CASTRO: True, nagdeklara na ang award -winning actress na si Sylvia Sanchez na hindi siya lilipat. Alagang-alaga raw siya ng Kapamilya network at may regular show pa siya na “Huwag Kang Mangamba .”

Ayon naman sa aming source, si Bea raw umano ang mago-ober da bakod. Well, dagdag kinang sa GMA-7 kung siya talaga.
Abangan na lang natin kung totoo ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.