Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday nag-throwback walang pera pang-enrol

0 297

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi inakala ni Judy Ann Santos na mgiging sikat siyang artista balang araw. Naalala niya, noong child star pa lamang, siya excited na excited siyang pumunta sa taping dahil sa mga pagkain, kalaro at mga production crew na tinuturing na niyang pamilya.

“I was never close with my dad. I never had the chance to see him growing up. So, I look forward to the day na may taping kasi yung mga cameramen, crew lahat ng staff and engineers, sobrang close ako. Sa kanila ako nakakakuha ng kalinga at saka may mga bata rin akong kasama sa set,” ayon kay Judy Ann sa panayam ni Senator Joel Villanueva para sa “AksyonTime” na ipinalabas sa A2Z Channel 11 noong isang linggo

Enjoy na enjoy siya sa paga-artista pero hindi niya akalain na aabot siya sa movie industry ng higit sa tatlong dekada.
“Kung bata ka kasi, hinahanap mo lang naman kung ano yung nakapapagpasaya sa iyo at that time. Yung ang feeling ko, masaya ako sa ginagawa ko. Kumikita ako kahit paano. And gusto ko yung ginagawa ko that’s why medyo magagawa ko ito (acting) ng medyo mas mahaba-haba pa,” ani Judy Ann na kilala rin sa tawag na “Juday”.

Dahil sa kanyang talento, biniyayaan siya ng maraming projects. Pero noong teenager na siya, kinailangan na niyang mamili kung mag-aaral pa ba siya o mag-ko-concentrate na lamang siya sa showbiz.
“ I have to decide kung ipu-pursue ko ba ang pagka-college ko, or tatapusin ko lang yung pagiging high school ko and move forward to acting. ‘Cause at that time wala rin kaming pera for enrollment and marami namang projects na pumapasok so I asked my mom, nasa Canada s’ya nun, kung pwedeng mag- college na lang ako kapag alam ko na yung kurso kong kukunin,” sabi ni Judy Ann, na isa ring skilled chef matapos niyang maipasa ang TESDA National Certification noong 2009.

Dahil sa kanyang mga sikat na teleserye, binansagan din si Juday na “Queen of Pinoy Soap Opera”. Mula a television ay gimawa na rin siya ng mga pelikula na kumita rin sa takilya. Noong 1999, hinirang siyang “Box Office Queen” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Nagwagi rin siya bilang Pinakamahusay na Aktres sa 41st Cairo International Film Festival para sa pelikulang “Mindanao” ni Brillante Mendoza noong 2019.

“Habang nagkaka-edad ka parang you are looking for more challenging roles. Bilang artista noong mga time na yung gusto ko nang mag-move forward, not (really) daring roles, pero mas may sustansyang projects. Okay lang gumawa ng romcom films pero yung puso mo mas naghahanap na ng may kabuluhan. Mas malalim na acting.

“Siguro yun ‘yung wala ako (kaba). Para sa akin kung hindi ko gusto yung project hindi sya tatawid onscreen. Kasi andun ako sa paniniwala na kung susuportahan ako ng mga tao kung mahal talaga nila ako, susuportahan nila kung ano man ang proyektong ilabas ko,” ayon pa kay Juday.

Nagbabalik si Sen. Villanueva sa AksyonTime matapos ang pamamahinga sa paghost ng public affairs show.

Unang sumabak si Villanueva sa pag-host ng public affairs show para sa programang “Adyenda” kung saan nagkamit din ito ng mga parangal.

Mapapanood ang AksyonTime tuwing Sabado, 10:15 p.m. sa A2Z Channel 11.

Leave A Reply

Your email address will not be published.