Abante Tonite Interactive

Juday natauhan sa magarbong ABS-CBN Ball

733

Nagsimula na kahapon ang “auction sale” ni Judy Ann Santos sa kanyang dalawang gowns na isinuot sa ABS-CBN Ball 2018 and 2019. Inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram account ang subasta na ang pagbebentahan ay ido-donate rin niya sa charity.

“I realized, since this is a Bantay-Bata Foundation project or charity event, and it’s once a year na event na ginagawa ng ABS-CBN, I’ve decided to auction off this gown,” ani Juday sa kanyang video.

Ang tinutukoy na gown ni Juday ay gawa ni Yong Davalos na isinuot niya sa ABS-CBN Ball this year. Magsisimula raw sa 20,000 pesos ang bidding ng gown.

Ang isa namang gown na emerald green ay gawa ni Oscar dela Renta, na isinuot niya last year. Magsisimula naman daw sa 50,000 ang starting cost nito.

Kung sino ang highest bidder ay sa kanya mapupunta ang gown at lahat daw ng proceeds ay ibibigay sa Bantay Bata 163.

“That would be our little gesture of appreciation and support to Bantay Bata, and of course, for Miss Gina Lopez. Ito po ay para sa kanya. Ito po ay inihahandog naming mag-asawa para sa Bantay Bata, para makatulong kami in our own little way,” sey pa ni Juday.

For two consecutive years now ay ang Bantay Bata 163 ang beneficiary ng ABS-CBN Ball at maging noong Star Magic Ball pa lang ito ay lagi rin silang nagdo-donate sa nasabing foundation na itinatag ng yumaong Gina Lopez.

Nito lamang nakaraan ay hindi na rumampa si Angel Locsin dahil mas naisip na lang niyang mag-donate na lang ng pera kesa ipakita ang pagiging glamorosa sa magarbong event na ito ng ABS-CBN. (Vinia Vivar)