Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juday, Piolo, CharDawn pinagsasabong

0 99

Putok na putok ang chika na ang sikat na Korean dramang “The World of A Married Couple” ay magkaka-Filipino version.

Ang gagawa nga raw nito ay ang ABS-CBN, ang bukod tanging istasyon na walang prangkisa pero may blocktimer arrangement sa isang free channel .Super strong digital universe presence din kaya patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kanilang mga drama offering.

Ngayon pa lang, marami ang nagsasabi na perfect material ito para sa balik tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Ang tunay na Mrs. Agoncillo ang gaganap sa doktora.

Si Papa P ang nagtaksil sa asawang film director. At sa maniwlaa kayo at hindi, marami ang nanalig na bagay na bagay kay Julia Baretto ang role na nubile nymphet na inagaw sa doktora ang lahat sa kanya.

SM food to go Banner Ad

During the kasagsagan of the airing of the K-drama, Barretto was vocal na she wants to set her fangs on the said role kasi nga, panalo naman talaga.

May mga nagsasabi rin na best na maging maging Dra. Ji Sun Woo at husband nitong si Lee Tae-oh ay sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Para sa diva that you love, mas perfect kung sina La Zulueta at Kuya Goma ang gaganap sa mga nasabing katauhan dahil mas believable sila as a couple. Mas near sa age nu’ng gumanap sa original drama at higit sa lahat, mas emotionally mature and experienced on marital matters.

Kung sino ang magiging nubile nymphet sa buhay ni Goma, best bet si Ivana Alawi na hindi mo na talaga pagtatakhan bakit narahuyo sa kanya si Richard kahit pa nga ang ganda-ganda pa rin ni Dawn.

Sa mga pinagsasabong na mga artista, sa true lang. lahat mahuhusay at deserving.

Leave A Reply

Your email address will not be published.