Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Judge kakasuhan sa nasawing baby ng aktibista

0 99

Inanunsiyo ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na idedemanda ng nakadetineng aktibista na si Raena Mae Nasino si Presiding Judge Marivic Balisi-Umali, ng Manila Regional Trial Court Branch 20 na dahil sa kanyang naging desisyon ay nasawi ang kanyang anak na si Baby River.

Nabatid na sa desisyon ng Hukom ay hiniwalay ang sanggol kay Nasino matapos itong ipanganak.

Ayon sa NUPL, sasampahan nila ng kasong administratibo na gross ignorance of the law at grave misconduct ang Hukom sa Office of the Court Administrator sa Supreme Court.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It was Judge Balisi-Umali who ordered the painful separation of Reina Mae and her baby River Emmanuelle, despite the clear mandate of international law and domestic statutes recognizing mother and child’s right to breastfeed, as well as the best interests of the child,” ayon sa pahayag ng NUPL .

Unang sinabi ng Hukom na ang selda ay hindi para sa mga sanggol kaya napilitan itong ihiwalay kay Nasino kung saan pinagkaitan umano ang bata ng mga nutrients na kailangan ng katawan nito para makaligtas.

Bukod sa hukom, kasama ring kakasuhan ang mga pulis at jail personnel sa malupit umanong pagtrato kay Nasino noong burol at libing ng anak nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.