Abante Tonite Interactive

Judge nag-inhibit sa Jee Ick Joo case

197

Tuluyan nang nag-inhibit ang hukom na lumilitis sa kaso ng dinukot at pinatay na Korea­nong negosyante na si Jee Ick Joo.

Sa dalawang pahinang kautusan na may petsang Setyembre 2, 2019, partikular na bumitiw sa kaso si Angeles City Branch 56 Presiding Judge Irin Zenaida Buan.

Iniutos din ng hukom ng pag-turn over ng mga record ng kaso sa Office of the Clerk of Court ng Angeles City Regional Tria­l Court (RTC).

“WHEREFORE, in view of the above considerations, the second motion for inhibition is hereby granted. The Presiding Judge of this Court hereby recuses herself from actively trying these cases. Let the entire records of theese cases be remanded to the OCC-RTC, Angeles City for re-raffle to another branch of this court,” bahagi ng kautusan.

Kasabay nito ay kinatigan ng hukom ang second motion for inhibition na inihain ng prosekusyon na sinegundahan ng kampo ng mga akusadong sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang.

Paliwanag ni Judge Buan, magiging counterproductive na kung itutuloy pa niya ang paglilitis sa kaso bunsod ng paniniwala ng prosekusyon at ng kampo ng dalawa sa mga akusado na mayroon siyang bias o hindi patas.

“To the mind of the Presiding Judge, this is counterproductive because no matter how regular the exercise of judgment or discretion is done, the same cannot dissuade the movants from their belief that the Presiding Judge is biased, in order that the procee­dings in these cases will not be stalled, the Presiding Judge consi­ders it prudent to recuse from these ca­ses,” saad pa sa RTC order. (Lorraine Gamo)