Abante Tonite Interactive

Judge sa Jee Ick Joo case pina-inhibit

0 201

Iginiit ng prosecutors sa hukom na humahawak sa kaso ng mga pulis na isinangkot sa pagpatay at pagkidnap sa South Korean businessman Jee Ick Joo, na mag-inhibit sa paghawak ng kaso.

Sa isinampang motion ni Senior Deputy Prosecutor Richard Anthony D. Fadullon noong Agosto 7, hiniling niya kay Angeles City Branch 56 Judge Zenaida S. Buan na boluntaryong mag-inhibit sa kaso.

Ang nabanggit na mosyon ay nilagdaan rin nina Senior Assistant State Prosecutors Juan Pedro C. Navera, Olivia Laroza-Torrevillas at Ethel Rea G. Suril.

“The people and the private complainant, whose husband was unlawfully taken and brutally murdered by the accused in these cases, cannot fathom and are profoundly disturbed with the way the presiding judge cavalierly resolved the pending incidents in these ca­ses and by her obvious obstinacy to cling to the instant cases instead of inhibiting from them for unknown reasons,” nakasaad sa mosyon.

“Her subsequent actions and later orders indicate clear badges of partiality and bias in favor of accused Dumlao. The people and the private complainant have undoubted­ly and irretrievably lost their trust and confidence that the presiding judge will hear the cases with the utmost fairness, impartiality, and probity,” dagdag pa sa mosyon.

Ang aksiyon ay ginawa ng DOJ prosecutors matapos payagan ng hukom ang petition for bail ni Police Supt. Rafael P. Dumlao III, sa kabila ng testimonya ng state witness na si Roy Villegas na bahagi siya ng pagsasabwatan sa pagkidnap kay Jee dahil siya ang lumalabas na team leader at pasimuno ng krimen.

Magugunita na si Jee ay kinidnap ng dalawang ‘di kilalng lalaki sa kanyang bahay sa Friendship Plaza Subdivision, Angeles, Pampanga noong Oktubre 18, 2016.

Noong Enero 17, 2017 nagpunta ang National Bureau of Investigation (NBI) sa funeral parlor sa Bagbaguin, Caloocan kung saan dinala ang bangkay ni Jee at matapos na i-cremate ang abo nito ay nai-flush sa toilet bowl. (Juliet de Loza-Cudia)