Abante Tonite Interactive

Judicial cleansing

By
492

Nakakalungkot na makita na ang dating tinitingala ko at nirerespeto na mga mahistrado ng Korte Suprema ay parang mga bata na nagbabanggaan at nagsisiraan sa publiko.

Napakataas ng kanilang pedestal para ibagsak ito nang gano’n na lang.

Ang dating tila mala-Diyos na pagtrato ay naging parang mortal na tao na lamang.

Papaano na ang mga maliliit ay umasa na makamit ang kataru­ngan, gayong silang nasa itaas ay nagpapatutsadahan?

Bagama’t ayon naman sa ibang tagamasid, makakabuti ito sa Korte Suprema sa ngalan ng demokrasya. Kung magreresulta ito nang paglilinis sa institusyon, bukas kamay natin itong yakapin.

Lord Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT:

TAMIS NG UNANG HALIK (Tina Paner)
Sang saglit lang hugot ka na…
Unang tingin, tagos sa mata
Isang saglit lang at nadama…
Isang saglit lang parang walang nakita.

‘Yan ang iyong unang titig…
Kailan ba ‘yon, kay tagal na
Ngunit galit naroon pa
Tuwing ang mata’y manlilisik!

Bakit inis kusang nagbabalik
Kukupas pa ngunit hindi
Ang alaala ko sa mukhang kay sungit…

REFRAIN

Kaso mo’y magtatagal…
Muli at muli pang mawawalwal!
Lahat ay malilimot mo
Ngunit hindi, ngunit hindi ang…
Ang kanyang unang titig…

Unang tingin na nanlilisik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan
Limutin mo man, mahirap gawin

Dahil damdamin mo sumisigaw
Mapipi man ang ‘yong bibig
Kay bagsik ng una mong tingin..