Abante Tonite Interactive

Judy Ann at direktor tinuldukan ang tampuhan

0 1,561

Kung pagbabasehan mo ang mga la­rawan na lumabas sa Instagram, masasabi mo talaga na ang life begins at 40 ni Judy Ann Santos Agoncillo, is off to a grand start.

Happy chaos ika nga ang pagsalubong at pag­yakap niya sa kanyang milestone year. She was surrounded by people who matter, her friends, loved ones and family, siyempre pa.

Dumalo sa sorpresong pagtitipon, kung pagbabasehan ko ang mga Instagram posts sina Direk Joyce Bernal, Alden Richards, Iza Calzado at Ben Wintle, Angelica Pa­nganiban, Sarah Geroni­mo at Matteo Guidicelli at iba pa.

Immediate-Hiring-Ads

Mukhang pinaka-malaking sorpresa sa kanyang kaarawan ay ang pagdating ni Dante Nico Garcia, ang kanyang Ploning director.

Ang matagal nilang tampuhan, tila hindi lang tuldok, with a tandang pandamdam na at kung ano man ang mga naging kaganapan, mukhang mas namayani ang kanilang pagiging magkaibigan.

Ang panahon natin sa mundong ibabaw, sad­yang kay bilis. Dati si Ula ang binigyang buhay niya, ngayon sa tulong ng Maykapal at sa talentong ibinigay sa kanya, paired with a lot of blood, sweat and tears, ang kanyang mga responsibilidad bilang anak, kapatid, aktres, kabiyak ni Ryan A­goncillo, nanay, Kapamilya at kung ano-ano pa, nagampanan niya the best way she can, hindi siya perpekto, pero sa sipag, tiyaga at mara­ming dasal, she now reaps the golden fruits of her hard labor.

Sa mga photo sa IG, kita sa ngiti, twinkle in her eyes, alam walang kapantay ang ligaya niyang nadarama.
Kay Judy Ann na sinasabing the last movie queen, may the Force be with you always.