Abante Tonite Interactive

Judy Ann papalitan si Angel

684

Nalungkot ang maraming sumusubaybay ng “The General’s Daughter” dahil matatapos na ito sa October 4. Papalitan ito ng “Starla” na pagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Consistent ang mataas na ratings ng “The General’s Daughter” magmula nang ito’y iere pero hindi man lamang ito umabot ng isang taon.

Actually, hirap na makaabante ang mga katapat nitong programa sa Kapuso Network.

MayWard 2 taon nakaburo sa pelikula

It was in September 2017 nang ipalabas ang first movie ng magka-love team na Maymay Entrata at Edward Barber, ang “Loving In Tandem” pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakaroon ng follow-up project.

Dahil dito, humihirit na ang kanilang mga fan ng panibagong project after two years.

Anyway, focus muna ang MayWard sa kanilang upcoming major concert sa New Frontier Theater on September 27, ang “M.E. and U”.

Sofia sasabak na sa pag-arte?

Excited ang panganay na anak ng mag-asawang Alfred Romualdez at Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na si Sofia Romualdez . Matutunghayan na sa YouTube ang lyric video ng bago niyang single na pinamagatang “Wala Na” under Viva Records.

Positibo ang reaction ng mga nakarinig na ng awitin ni Sofia na napaka-millennial ng sound.

Ang awiting “Wala Na” ay mapapasama sa debut album niya.

May indikasyon na rin na posible rin niyang pasukin ang acting tulad ng kanyang mommy na si Kring-Kring.

May basbas naman ang politician dad ni Sofia sa pinasok niyang field sa entertainment business.

Gustong ipagpatuloy ni Sofia ang kanyang pag-aaral na may kinalaman sa music at ito’y suportado ng kanyang parents.

Saab nagluwal ng 2nd baby

Isinilang na ni Saab Magalona ang second son nila ng husband niyang singer-musician na si Jim Bacarro.

Ang bagong silang na baby ay pinangalanan nilang Vito Thomas Magalona Bacarro.