Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jugs pina-Tulfo ng driver

0 251

NI: VINIA VIVAR

Isa na namang celebrity ang inireklamo ng kanilang tauhan sa Raffy Tulfo in Action. Dumulog ang dating driver ni Jugs Jugueta sa batikang broadcaster para ireklamo ang nasabing host ng It’s Showtime at member ng Itchyworms band.

Ang reklamo ng driver na nangangalang Gavino Dayandante ay hindi raw siya binigyan ng separation pay nang paalisin siya at hindi rin daw hinulugan ng kanyang amo ang SSS, PhilHealth at PAG-IBIG.

Ayon sa driver ay nag-offer naman daw ng P90,000 bilang kabayaran ng kanyang 10 years na serbisyo pero pinapipirma raw siya sa isang resignation letter na si Jugs ang gumawa.

“Hindi naman po ako against sa kanya kasi nakakatulong naman siya sa akin. Ang akin lang po, bakit po niya ako papipirmahin sa isang agreement na hindi ko naman po ginawa yoon,” pahayag ni Gavino.

Nakasaad daw sa letter of agreement na kusang umalis ang driver at wala nang pananagutan sa kanya ang kanyang amo.

Related Posts

“At hindi po ako pwedeng magreklamo sa kahit anon’g government agency at kung ako po ay magrereklamo raw po ay pwede niya akong kasuhan ng paninirang-puri o kung anumang dapat ikaso sa akin,” anang driver.

Pinaliwanagan naman siya ni Raffy na ang tawag daw doon ay “Quit Claim” at marahil daw ay siniguro lang ni Jugs na protektahan ang sarili’t walang maging issue sa kanila later on.

May abogado rin na guest ang RTIA para inalisa ang reklamo ng driver at payo ng lawyer maging ni Raffy ay dapat daw mag-usap nang maayos ang amo at empleyado.

Sinabi rin ni Raffy na okay naman ang binibigay na halaga ng separation pay base sa computation na iprinisinta ng laywer.

Tungkol naman sa SSS, PhilHealth ang PAG-IBIG, ayon sa lawyer ay kung regular employee raw ang driver, dapat daw ay hininuhulugan ng employer pero pwede rin naman daw na voluntary na lang ang paghuhulog ng empleyado.

In fairness, in the end ay naliwanagan naman ang driver at mukhang hindi na magsasampa ng reklamo sa labor. Tatanggapin na lang daw niya ang separation pay at ayaw naman daw niyang isipin ni Jugs na sinisiraan niya ito.

Nilinaw naman ni Raffy na hindi paninirang puri kay Jugs ang ginawa ng dati niyang driver kungdi kumonsulta lang ng kanyang karapatan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.