Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juico ibubuko mga trackster

0 47

Magbabalita si Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) President at Philippine SuperLiga (PSL) Chairman Philip Ella ‘Popoy’ Juico hinggil sa mga trackster na hahabol sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum ngayong Martes.

Isiwalat ng opisyal ang paghahanda ni Olympic-bound pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at iba pa na gustong mga mag-qualify sa quadrennial sportsfest na ni-reset sa July 23-August 8 ng taong ito dahil sa pandemya.

Ibubunyag din ni Juico ang plano ng PSL ngayong taon sa talakayang sisimulan sa alas-10:00 nang umaga at mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Pinalakas ng Smart at Upstream Media bilang official webcast partner, ito ay may livestreamed via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin (RC).

Leave A Reply

Your email address will not be published.