Abante Tonite Interactive

Juico magbabawas ng atleta

227

Pipiliin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang mga national athlete na nakapagpakita ng husay at kakayahan para manatili sa pambansang koponan upang mataas na mapagtuunan mga susunod na iba’t ibang sasalihang internasyonal na torneo sa 2020.

Ito ang sinaad ni ­PATAFA president Philip Ella Juico sa Soleus victory party ng koponan kung saan ipinagbunyi ng asosasyon ang naiuwing 11 medalyang ginto na pinakamarami sa national sports association na Olympic sports sa katatapos na 30th Southeast Asian Games PH 2019.

“We now have a cycle to follow,” ani Juico. “We just finish SEA Games, then comes the qualif­ying events for the 2020 Tokyo Olympics, then the 2021 Vietnam SEA Games again and then the 2022 Asian Games. Kailangan natin na ma-sustain ang mga program para sa bawat atleta.”

Mayroon sa kasalukuyang mahigit 80 atleta ang PATAFA pool kung saan inaasahang mahihirapan ang asosasyon na masuportahan lahat ang mga pangangailangan sa training sa loob at labas ng bansa.

Hinirit ni Juico na magiging ang prayoridad ng asosasyon ay ang mga atletang nagnanais na mag-qualify sa sa Olympics upang masamahan ang unang nakapasok na roong si SEAG pole vault gold winner Ernest John Obiena.
‘Di lahat sa 80 atleta’y makakasama sa mga qualifying events at tanging ang mga mala­laki lang ang tsansa ang maaaring makabilang tulad ng 11 nagwagi ng gintome, walong naka­pilak at 11 nakatanso.

Isa na rito si Kristina Knott na wagi sa wo­men’s 200m dashat kinapos ng isang segundo sa 100m. Kabilang din sina Eric Cray at ­marathoner Christine Hallasgo, 110-meter hurdles Clinton Bautista, decathlete Aries Toledo, heptathlete Sarah Dequinan at javelin thrower Melvin Calano. (Lito Oredo)