Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Juico pinabubuksan ang PSL

0 291

Ipinahayag ni Philippine SuperLiga (PSL) Chairman Philip Ella Juico na dapat magkaisa ang sports at science sa panaw niyang maging unang lokal na liga na makapagbukas na sa harap ng coronavirus pandemic.

Dinagdag kahapon ng former chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), na handa na ang top volleyball league sa bansa para sa isang torneo tapos makansela ang Invitational Grand Prix noong Marso, sa sandaling payagan na ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“The PSL is also in touch with the Department of Health, PSC, Games and Amusements Board, TV5 — PSL’s official television coveror — and our own stakeholders so that we can easily transition into activities that would pave the wave to normality, which we are hoping would come very soon,” litanya ni Juico.

Pero dinugtong ng dating Cabinet member na mas malamang na magdaos muna ang PSL beach volleyball tournament sa mahigpit o kontrolado nilang lugar. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.