Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jules todo relax muna

0 210

Sinasamantala ni Ateneo Lady Eagles Julianne Marie ‘Jules’ Samonte ang mahabang panahon ng kawalan ng kompetisyon sa women’s indoor volleyball na epekto ng coronavirus disease sa iba’t-ibang paraan ng pag-re-relax at pagpapahinga habang hinihintay ang muling pagbabalik sa normal ng mundo.

Ibinilad ng 21-year-old, 5-foot-9 senior middle blocker ang kanyang wankata sa kanyang Instagram post noong Martes ng gabi kasama ang ilang Lady Eagles teammates.

May kuha silang nakasakay sa magarang motorsiklo, namimitas ng bulaklak, lumalaklak ng alak at namumulutan ng pizza.

“Start trip na po,” bulalas ni Samonte sa isang caption sa nakatakdang paharuruting big bike.

Nakansela noong Marso 10 tapos makaaapat na playing dates lang ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 2019-20 dahil sa pandemiya na fourth playing years ng dalaga sa Quezon City-based squad. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.