Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia ‘bad trip’ sa erpat

0 502

Pagkatapos na makapanayam ni Julia Barretto ang kanyang amang si Dennis Padilla sa kanyang vlog, marami ang natuwa na sa pambihirang pagkakataon ay nakapag-usap at nagkalinawan na ang mag-ama.

Katunayan sa nasabing episode, naibulalas ng komedyante ang sama ng loob niya sa anak na ayaw siyang kausapin noon tungkol sa pagpapalit umano nito ng apelyido.

Sinagot naman ni Julia ang ama sa pagsasabing natakot o natrauma silang magkakapatid dahil na rin sa ginawa nitong pagpirma sa isang dokumento na naglalagay sa alanganin sa estado nila bilang lehitimong anak ni Dennis noon.

Ani Julia, nasa hurting stage daw sila at isang proseso para sa kanila ang pinagdadaanang pagsubok sangkot ang ama.

Sa naturang vlog din, inamin ni Dennis ang naging mga pagkukulang niya kina Marjorie at sa mga anak nito at sa iba pa niyang pamilya.

Nang ma-interview naman ni Ogie Diaz si Dennis sa kanyang vlog, naibahagi naman

ng komedyante ang kanyang tunay na damdamin sa paraan ng pakikitungo sa kanya ng kanyang mga anak sa dating partner na si Marjorie Barretto.

Tinanggap daw niya ang rason ng anak tungkol sa isyu nila dahil ayaw na raw niyang lumawig ang usapan.

Kasunod nito ay marami ang nakapansin ng tila pagkawala ng video ni Julia sa kanyang YouTube channel kung saan nakapanayam nito ang kanyang ama.

Nakalagay sa nasabing video na ito ay pribado na.

Tanong ng mga netizen, hindi kaya na-bad trip ang actress sa ama kaya wala na umano sa public umano n ang nasabing video? Tila naiba kasi ang bersyon ng pahayag ng komedyante sa vlog ng anak.

@@@

Regine inokray ang kilay

Ibinahagi ni Ogie Alcasid sa kanyang YT channel ang tipikal na araw nila ng asawang si Regine Velasquez sa panahon ng pandemya.

Dito ipinakita niya ang itsura ng kanyang misis kapag bagong gising pa lang ito at wala pang makeup.

May ilan namang netizens na inokray ang Asia’s Songbird dahil wala raw pala itong kilay kapag walang suot na makeup.

Game namang nakipagkulitan si Regine sa mga viewer ni Ogie na hindi na-offend nang kausapin siya in vaklush terms.Nasakyan niya ang ganoong conversation dahil gay icon naman talaga siya.

Ani Regine, term of endearment daw niya kahit sa close friends ang pagtawag ng vaklah.

Sey naman ni Ogie, gusto raw niyang palakasin ang kanyang vlog kaya kasama niya ang misis.

Pagbibiro niya,maligaya na raw siya kesehodang lima lamang ang nanonood ng kanyang vlog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinag-usapan din ng showbiz couple na madalas ay magkaiba rin sila ng opinyon sa mga bagay-bagay pero hindi raw nawala ang pagrespeto nila sa isa’t-isa.

Mahigit labing-isang taon na silang mag-asawa at marami raw silang natutunan sa isa’t-isa sa loob ng panahong iyon.

Ani Regine, iyong maliliit na bagay o in betweens ay inaayos na nila sa simula’t-simula pa bago ito lumala pa na payo rin niya sa mag-asawa.

Importante rin daw ang papel ng komunikasyon o pagiging open sa isa’t-isa para magtagal ang pagsasama ng mag-asawa.

@@@

Hayden pasadong makeup artist ni Vicki

Sa vlog ng celebrity doctor na si Dra.Vicki Belo, ibinahagi niya ang bagong skill na natutunan ng kanyang mister na si Hayden Kho.

Ipinakita niya kung paano i-apply ni Hayden ang makeup sa kanyang mukha.

Ayon kay Vicki, nag-aral mismo ng pagme-make up si Hayden para sa kanya.

Habang nagme-make up, panay naman ang biruan ng mag-asawa.

Sa naturang session, nilagyan ni Hayden ng green color corrector ang mukha ni Vicki para ma-neutralize ang red spots sa fez nito.

Ayon naman kay Hayden, kapag magbibiyahe sila ni Vicki, madalas nauubos ang oras nito sa pagblo-blow dry ng kanyang buhok.

Kaya naman para ma-maximize ang oras, minabuti niyang siya na ang mag-make up dito habang abala ito sa pag-aayos ng kanyang buhok.

Sa finishing touches ng makeup, hindi naman napigilan ni Hayden na hagkan ang kanyang misis.

Ayon pa kay Vicki, nadagdagan ang kanyang respeto kay Hayden dahil sa bago nitong skill.

Doon daw niya napatunayan kung gaano siya kamahal ng mister na aniya’y hindi nabawasan ang pagkalalake.

Pagkatapos ng makeup session, happy naman si Vicki sa naging resulta at proud pa niyang tinawag ang kanilang anak na si Scarlet sa achievement ng kanyang Daddy.

Marami naman ang bumilib sa bonding ng dalawa sa nasabing makeup session.

May ilan namang mapang-husga ang humirit na inaander umano ni Vicki si Hayden.

Leave A Reply

Your email address will not be published.