Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia bet ang pompyangan kay Lovi

0 478

NI: VINIA VIVAR

Willing daw si Julia Barretto na gumawa ng Girls Love or GL series na katapat na Boys Love or BL series na as we all know ay sobrang nag-hit dito sa atin sa Pinas.

Ayon sa aktres sa kanyang recent mediacon, tatanggapin niya if ever na may mag-offer sa kanya ng GL series at ang first choice niya na maging kapareha ay si Liza Soberano.

SM food to go Banner Ad

“Well, siyempre, I was very open about wanting to do something like that with Liza,” sey ni Julia.

Kung hindi raw pwede si Liza, ang next choice niya ay si Lovi Poe or Jasmine Curtis-Smith.

Ang gusto raw niyang gawin ngayon ay mas mature projects at mas magpapakita ng kanyang kakayahan bilang aktres.

“We’re gonna be working on projects that are more mature, more focused on bringing out the actress in me, just growing and becoming a fully-bloomed woman, and ‘yan ang talagang matagal ko nang gustong gawin, to just tackle and make stories that are more mature and more realistic now and just beautiful stories that you know, support my being a woman also,” pahayag pa ni Julia

Leave A Reply

Your email address will not be published.