Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia bet maglaro ng ‘apoy’

0 87

Sa kanyang vlog na Juju on the Go, ipinakita ni Julia Barretto ang kanyang travel adventures sa Bohol.

Sakay ng motor, inikot niya ang viewing deck ng Chocolate Hills na para sa kanya ay kakaiba ang ‘charm’.

Sa kanyang hotel na tinutuluyan sa Panglao, sobrang saya niya dahil sa festive mood nito.

Aniya, paborito niya ang fire dance na sumalubong sa kanya na bet din niyang gawin.

Sa kanya namang dolphin watching sa Pamilacan the following day, medyo na- disappoint ang aktres dahil mailap magpakita ang nasabing endangered specie.

Payo niya, dapat daw ay maaga pumunta sa naturang lugar dahil kung tanghali na ay hindi na nagpapakita ang mga ito.

Nag-enjoy naman siya sa kanyang island hopping sa Balicasag kung saan nag-swimming siya at nag-snorkeling.

Pinuntahan din niya ang famous sand bar at ang kilalang Hinagdanan cave.

Leave A Reply

Your email address will not be published.