Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia binash paglayas sa Star Magic

0 146

Pormal na ipinakilala si Julia Barretto bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency. Limang taon ang kanyang pinirmahan para mamalagi sa Viva.

Ayon sa aktres una siyang nagpaalam kina Johnny Manahan at Mariole Alberto ng Star Magic. Hindi naman daw nila kinontra kung sasabak siya sa bagong chapter ng kanyang career.’Yun daw ang nagustuhan niya na hindi siya pinigilan sa desisyon niya na sa palagay niya ay ikabubuti ng career niya. Nandoon pa rin daw ang suporta nila.

May mga basher si Julia na sinasabihan siyang walang utang na loob dahil iniwan ang Star Magic na sobra siyang inalagaan.

“Sabi nila?,” bungad niyang reaksyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Close ba sila sa akin? How should they know what I feel? Hindi matatanggal sa akin ang gratefulness and my gratitude sa Star Magic, na mula 9 years old sila na talaga ang naging pamilya ko,” pakli niya.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila hindi dahil nag-change ako ng management hindi ibig sabihin na hindi na ako grateful. They will be my family hanggang sa hulin-huli.Forever akong grateful kay Mr.M at kay Ms. Mariole. Naiintindihan nila ang naging decision ko kasi maiiba na rin ang pakiramdam ko lalo na’t mawawala na rin sila sa Star Magic,” lahad pa ni Julia..

Kung iimbitahan daw siya ni Mr. M na mag-guest sa mga shows niya sa TV5 ay pagbibigyan niya dahil tatay raw ang turing niya dito hanggang sa huli. Anytime daw na kakailanganin ang suporta niya ay nandiyan siya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.