Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia bumuntot kay Gerald sa PCG

0 70

Isa ang miyembro ng auxiliary force ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aktres na si Julia Barretto.

Nitong Miyerkoles naganap ang oath-taking ni Julia kasama ang iba pang bagong auxiliarist.

Pinangunahan ni CG Admiral George Ursabia Jr. ang oath-taking.

Nagpasalamat din si Ursabia kay Julia maging sa mga bagong auxiliarist na nagbigay ng kanilang commitment na paglingkuran ang bansa sa pamamagitan ng coast guard.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Si Julia ay magiging parte ng PCG Auxiliary K9 Squadron.

Sa naturang seremonya ay pinagsalita si Julia sa ngalan ng kanyang mga kapwa baguhan sa PCG bilang pinakaprominente sa kanila.

Sinabi ng aktres na nangangako siyang susuporta sa lahat ng gawain ng PCG partikular na sa paglilingkod sa sambayanan.

Kasama sa seremonya ang nobyo ni Julia na si Gerald Anderson, na isa ring parte ng auxiliary force. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.