Abante Tonite Interactive

Julia buwiset sa kakulitan ni Joshua

By
1,737

Aminado si Julia Barretto na na­aasar siya sa ka­kulitan ni Joshua Garcia. Ito ang medyo hate niya nang makatsikahan namin sila sa pocket presscon ng ‘I Love You, Hater’ na showing na ngayon.

“Si Josh kasi mahilig siyang mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangungulit pero minsan kasi kapag wala kang tulog, ‘di ba? Pagod na pagod ka.”

Sabat naman ni Joshua na nami-miss siya ni Julia at ang kakulitan nito ‘pag wala siya sa set.

Hirit pa ng batang aktres, “Mahilig siyang mangulit pero you know what i-embrace mo na ‘yan kasi hindi naman siya really makulit as a person… sa akin lang talaga siya makulit. Take note ha, sa akin lang.

“Minsan kasi ako, kapag sinabi kong tama na, tama na. Hindi ako ‘yung tipo na secretl­y gusto ko pa, hindi ako ganoon,” lahad pa niya.

“So ‘yun ‘yung medyo hindi naman talaga hate, kundi tama na, wag mo na masyadong i-push. Pero ni-love ko na kasi kunwari mga eksena ko lang ang kukunan that day, walang nangungulit, boring pala, so nakaka-miss, kaya ‘yun ang na-accept ko na, in-embrace at ni-love ko, ‘yung pangungulit,” saad pa ng young actress.

Ang hate naman ni Joshua kay Julia ay ang pagiging moody lang niya. “Pero love ko ‘yan,” sambit niya.

Dugtong naman ni Julia, “Ganu’n nangu­ngulit siya tapos kapag nagalit ako, magtatampo siya bakit ako nagalit ako, pero kasalanan niya… doon talaga. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hanggang dito ba naman. Wala akong malugaran talaga,” aniya pa sabay tawanan.

Pero pinupuri naman niya ang aktor dahil good listener daw ito pag idinide­talye ni Julia ang mga tampo niya. Tahimik lang daw ito at hindi kumikibo. Pero ‘pag nag-sorry na si Joshua, inisa-isa niyang iso-sorry ang hinaing niya. Ang ending bumibigay na rin si Julia para patawarin ito.

By the way, showing na ngayon ang pelikula nilang “I Love You, Hater” mula sa Star Cinema. Kasama nila sina Kris Aquino, Ronaldo Valdez, John Estrada, Al Tantay, Gio Alvarez, Ricardo Cepeda, Mark Neumann, Marki Stroem, Albie Casiño, Alora Sasam. Ito’y sa direksyon ni Giselle Andres.

Pagkamatay ni Coco sa ‘FPJ’s ang Probinsyano’ pinaglaruan ang viewer

Napagtagumpayan ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kung nag-experiment sila sa magiging reaksyon ng mga manonood ‘pag namatay sa serye si Coco Martin. Naging viral ang sari-saring komento sa inaakalang pagyao ni Cardo (Coco Martin) noong Lunes (Hulyo 9). Feeling ng ilang televiewer ay pinag­laruan sila dahil isang masamang panaginip lang pala ito.

Umani ang palabas ng mga nakakatuwang meme, tweet, at maging reaction video na patuloy na kumakalat sa social media.

Halos isang milyong view na ang video post ng Facebook user na si Kathleen Casil Maceda, kung saan ipinakita ang paghihiyawan nila ng kanilang buon­g pamilya nang malamang panagi­nip lang pala ang kamatayan ni Cardo. Higit kalahating milyong view naman na ang video ni Nestor Cordero na nakunan ang pag-iyak at pagiging apek­tado ng isang bata nang makita nitong wala nang buhay ang bida ng serye.

May meme din na kumakalat online gaya na lang ng litrato ni Cardo na may caption na: “Sa panaginip niyo lang ako mapapatay” at “Prutas na hindi namamatay — Avocardo” na napukaw ang pansin ng mga netizen.

Sari-saring mga tweet din ang bumuhos dahil sa eksena, kaya naging top trending topic ang mga salitang Cardo at Ang Probinsyano sa Twitter.

Sabi ni @Yassified_28, “‘Yung pang Hollywood talaga ang bawat eksena. This is the only show with decent story line talaga! Iba from musical scoring to every single detail, the best talaga!”

“Iba’t ibang emosyon ang ipinaparamdam kaya mas kinakapitan namin. Sa­lamat dahil hindi kayo predictable. Mas pasabikin niyo pa kami,” tweet naman ni @itzbubblymaria.

“OMG! Akala ko mabibitin ako sa episode ngayon. Thank you Dreamscape, laging hindi inaasahan ang mga eksena,” sabi ni @AnneDeTorres.

ABS-CBN napiling isa sa ‘Best Companies To Work For In Asia’

Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa mga ‘Best Companies to Work For in Asia’ ng HR Asia, isang nangungunang magazine para sa mga human resources professional na pinaparangalan ang mga kom­panyang may magandang relasyon sa kanilang mga empleyado at mahusay na kultura sa pagtatrabaho.

“Pinapatunayan ng parangal na ito ang aming paniniwala na ang mga tao ang nagdadala ng tagumpay sa kum­panya,” sabi ni Archie Sabado, head ng human resources and organization development ng ABS-CBN sa ginanap na awarding sa Marriott Hotel kamakailan lang. “Mahalaga ito dahil hindi lang ito katibayan na nasa tamang direksyon ang aming mga gawain sa organisasyon, natututo rin kami mula sa ibang kumpanya upang patuloy naming pagbutihan ang pag-aalaga sa aming mga Kapa­milya.”

Higit 12 na iba’t ibang industriya sa Asya kasama ang Hong Kong, Singapore, Malaysia, at China ang sinusuri ng HR Asia para sa listahan ng ‘Best Companies to Work for in Asia’. Ang Kapa­milya network ang nag-iisang TV network sa Pilipinas na kasama sa listahan.

Pinipili ang mga panalo base sa workin­g environment, HR practices, employee engagement, at job satisfaction, na ginagrado ng mga eksperto sa in­dustriya, akademya, mga mamamahayag, at kinatawan ng gobyerno.