Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia damay sa ‘sumpa’

0 324

NI: ARCHIE LIAO

May mga nagne-nega sa paglipat ni Julia Barretto from Star Magic to Viva Talent Management Agency.

Tila wala raw silang nababanaagang liwanag sa career move na ito ng aktres kahit pa nasagot na nito ang paratang na walang siyang utang na loob sa kanyang dating network.

Hindi nila ma-imagine kung ano ang magiging career path niya without Joshua Garcia sa bago niyang kuwadra.

Kahit pa nga, winelcome siya ng kanyang amang si Dennis Padilla sa Viva stable of talents, hindi pa rin naaalis sa kamalayan ng mga tao ang nega image niya involving Bea at Gerald at sa mismong ama niya hanggang ngayon.

Nakadagdag pa sa isyu ang naging sagot niya na ayaw na raw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang relasyon sa mga titang sina Gretchen at Claudine.

Kakawing pa ito ng kontrobersyang pinag-uusapan dahil sa naging rebelasyon ni Claudine sa isang panayam kung saan sinabi nitong hindi na siya umaasang magkakabati silang magkakapatid.

Na-hype pa ito nang tinuran nito na ang nangyayari sa kanilang feud ay bunga umano ng isang ‘sumpa’ o ‘generational curse’.

Hirit ng netizens, kung totoong may ‘sumpa’ ang Barretto sisters, damay rin umano si Julia dahil nasa henerasyon siya ng showbiz royalty.

Matatandaang naging talk of the town at newsmaker of the year ang Barretto sisters dahil sa eskandalong nangyari sa burol ng kanilang amang si Miguel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.