Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia , Dani problemado sa ama

0 110

Hindi pa nga natatapos ang isyu nina Claudia at Julia Barretto sa ama nilang si Dennis Padilla, may sariling isyu rin ang kapatid nilang si Dani sa ama nitong si Kier Legaspi. Nag-react ang actor matapos lumabas ang interview nito kay Dra. Vicki Belo. Ikinuwento ni Dani ang dahilan kung bakit tumagal ng 7 years ang hindi nila pag-uusap na mag-ama.

Sa kanyang post sa Instagram post ay makahulugan ang mga sinabi nito.

“Magpa-interview kaya ako para ‘yung side ko naman ‘yung marinig? I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?”

In fairness nanahimik lang si Kier pero mukhang mauungkat pa lamang ang sigalot sa mag-ama. Hindi na rin talaga nawala ang isyu sa pamilya ng mga Barretto. Mula sa mga tiyahin ngayon ay nasa mga batang Barretto na.

McCoy, Elisse lantaran na ang relasyon

Pansin namin na kung dati ay bihirang mag-post ng mga picture sina McCoy de Leon at Elisse Joson ng mga larawan nila, ngayon ay open na sila.

Bukas na rin sila sa pagkokomento sa mga post nila. Kung sabagay inamin na rin naman ni McCoy sa mga interview niya na girlfriend na niya ulit si Elisse.Nagkabalikan na sila bago pa man ang pandemya.

SM food to go Banner Ad

Ang tanong ng mga fan, okay na kaya ang aktor sa ina ng aktres na si Dra. Barbara?Nag-effort na kaya si McCoy na kausapin at suyuin ito?

Renshi gagawa pa rin ng BL serye

Kahit nakatawid na sa minstream, gagawa pa rin daw ng BL serye ang young actor na si Renshi de Guzman. Ito ang sinabi niya sa amin nang mag-guest siya sa programa naming Showbiz Cafe sa FYE Channel ng Kumu.

Bilang aktor ay wala raw siyang dapat ikatakot kahit ma-typecast siya sa BL na tema. Acting lang naman daw ‘yun at part ng trabaho.

Sa katunayan nga raw ay may Season 2 na ang In Between kung saan nakapareha niya si Lance Carr.

Dalawa ang shows ni Renshie ngayon , ang Huwag Kang Mangamba at La Vida Lena sa Kapamilya.

Pero kahit pang -leading man ang dating ni Renshi, gusto raw niya ang maging character actor tulad ng idolong si Arjo Atayde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.