Abante Tonite Interactive

Julia galit pa rin kay James Reid

2,956

Nakapanayam ng “Tonight With Boy Abunda” si Julia Ba­rretto.

Dito niya ibinahagi na minsan na rin siyang naging “maybe” sa isang tao.

Pag-amin niya, “Definitely, I became a maybe to someone. I think naging yes ako tapos naging maybe.”

Hindi umano niya deserve na maging option lang. Paliwanag niya, “I knew I didn’t deserve that and anybody who thought I was just a maybe didn’t deserve me. I deserve to be the yes. I would deserve to be the sure.”

Ito ay patungkol sa kanyang na­ging past love. Napagod umano siya at naramdaman na hindi niya deserve ang pagmamahal nito kaya pinili niya ang umalis.

Tinanong ang aktres kung isang aktor ba ang tinutukoy niya. Matapang naman niya itong sinagot ng yes at maybe.

Matatandaan na dati na ring na-link si Julia Barretto sa aktor na si James Reid. Sa isang segment ng TWBA ay ipinakita ni Boy Abunda ang larawan nito at tinanong kung willing siya na maging leading man ang aktor.

Sagot niya, “Yes, I’m willing to work with him. Baka interesting ‘yung dynamic.”

Tinanong din siya kung magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Aniya sa larawan ng aktor, “Friends ba tayo? ‘Di ko alam. I’m not sure.”
Galit pa kaya siya kay James? (Ronaline Avecilla)