Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia-Gerald buntisan pinagpustahan

0 1,916

Mataimtim ang pagbabantay kay Gerald Anderson, matapos niyang ilantad sa liwanag ang relasyon nila ni Julia Barretto. Hirit niya ay para siyang “nabunutan ng tinik” .Ang pangkat katkatera ay todo sa pagmamasid sa kanilang dalawa.

Aliw na aliw ang team dalahira sa Easter photos nila na kasama ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo.

Sa mapanuring mata ng mga dalahira, may afterglow ang relatively young coupling.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At ang pangkat katkatera naman, matutulis ang nguso at laging nakatiim bagang sa mga nilalanggam na katamisang captured for posterity moments nina Anderson at Julia.

Ang nakakabaliw, ang dalawang hukbo ay may malakasang pustahan na ang susunod na pangyayari sa magsing-irog na malayang sinusunod na ang kanilang mga puso, ay kung kailan mabubuntis si Barretto.

Alam naman nating bago ang pag-amin sa kanilang relasyo, ay tila inihahanda na tayo ni pretty miss Barretto tungkol sa kanyang pagiging nanay. Walang isyu na she will get pregnant out of wedlock basta gusto niyang maging ina na relatively young pa ang kanyang edad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.