Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia, Gerald lantaran na ang rampa

0 167

NI: VINIA VIVAR

Matapos ang pag-amin ni Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto in a tell-all interview with Boy Abunda, spotted together ang dalawa sa isang event.

Ipinost ng Kapamilya Online World sa Facebook ang mga larawan nina Gerald at Julia na tila nasa isang event ng Philippine Coast Guard dahil pareho silang naka-t-shirt na orange at may nakasulat na “Coast Guard Auxiliary.”

Si Gerald ay auxiliary officer ng PCG with the rank of lieutenant. Hindi namin alam kung join na rin ba si Julia sa naturang agency or supportive girlfriend lang siya.

Makikita sa isang larawan na nakaakbay pa si Gerald kay Julia kasama ang isang mamamayan na may dalang bigas na nasa plastic. Sa malas ay namamahagi ng relief goods ang showbiz couple.

“SCOOP: New Couple Gerald Anderson and Julia Barretto spotted together,” ang nakalagay namang caption.

Leave A Reply

Your email address will not be published.