Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia hihingi ng tawad sa tinarayan kesa kay Bea

0 168

Iniintriga pa rin ngayon ng kibitzers ang naging sagot ni Julia Barretto sa vlog ng kaibigan niyang si Joe Vargas.

Sa naturang vlog kasi, sumalang sa “Sagot o Lagot” challenge ang mga bida ng teleseryeng pinagbibidahan ng aktres at ng kapareha nitong si Marco Gumabao para sa TV5.

Isa sa mga naitanong sa kanila ay kung meron ba silang dapat na ihingi ng tawad sa kung sinumang taong nasaktan nila.

Sey ni Marco, may dapat daw siyang ikumpisal sa Diyos bagamat hindi na siya in-elaborate kung ano ang kanyang naging kasalanan.

Sa kaso naman ni Julia, wala raw siyang dapat na ihingi ng sorry kaninuman.

Kung sakali mang hihingi raw siya ng paumanhin o tawad, ito ay marahil doon sa mga taong nasupladahan niya dahil sa kanyang pagpapa-mood o matinding pagod.

SM food to go Banner Ad

“Siguro kung magso-sorry, iyong simpleng ‘yung alam mo kunwari pagod ka, ‘tapos nalalabas mo sa mga kasama mo minsan… “Siguro ‘pag feeling nila ay natarayan ako,” ani Julia.

Dahil sa pahayag na ito ni Julia, may ilang mahaderang nag-react sa kanyang naging sagot.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Di ba inakusahan mo si Bea ng bullying at pa-play victim, eh siya naman talaga itong ghinosting ng dyowa mo.”

“Ay, kay Joshua, wala ba siyang dapat ihingi ng sorry?” ( Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.