Julia hindi feel ng ermat ni Gerald

MAY uploaded video sa kanyang Instagram account si Gerald Anderson kasama ang girlfriend na si Julia Barretto.
And guess who kung sino pa ang other woman na kasama ng celebrity couple.
It’s none other than Gerald’s mom
Samu’t saring komento ng mga netizen sa kuhang larawan ng ‘hilaw’pang mother-and-daughter-in-law
Ang mga mapanuring mata ng mga Mosang ay binigyan ng kahulugan ang picture ni Julia with Gerald’s mom.
Anila: “Si Kim ang bet ni mother hahaha”
“TRUE! Kasi parehong bisaya.”
“TRRRRUUUUUUUEEEEE. Parang nga napilitan lng si mader makipagpicture kay Julia. Unlike kay Kim na kita mo tlga na close and gustong gusto nya si kim”
May nagbiro namang commenter, “Namanhikan na si Julia hahahaha”

Saway naman ng isa, “magmove on na kayo palibhasa yun lang napanuod nyo sa tv. hindi nyo alam tunay na nangyayari, yung unang pic po e talagang 1st hr meetup and yung huling pic e nagkausap n sila, punta kayo sa fanpage nila para sa proof.”
Dinamay pa si Bea Alonzo sa komento, “saka may nkita n b kayo pic nila nila ni bea”
“Good for them eh napaka love ni mother si kim. Sana makuha ni good dowter ang loob.”
“Why? Sya b pakikisamahan. If your mom in law is not into you, you better run. Been there done that. I ran away now I’m in the happiest”
Parang may kahulugan naman ang komentong ito, “Masusubukan ang pag intindi at pasensiya ni Julia. Goodluck!”
Isang netizen naman ang nagsabing, “Huwag nyo na pong idamay si Kim. Naka-move na po sya matagal na, at masaya po sya kay Xian (which is true naman)”
“Napaka transparent ng nanay ni Gerald. Kitang kita sa picture hindi niya type si Julia”.
Ano kaya ang masasabi ni Julia kapag nabasa niya ang mgakomentong ito ng mga netizen?