Abante Tonite Interactive

Julia hinimas ni Josh

By
2,582

Napuno ng lam­bingan sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa presscon ng ‘I Love You Hater.’

Panay ang himas ni Joshua kay Julia na noo’y nilalamig sa loob ng Dolphy Theater.

Galaw nang galaw si Julia na animo’y parang naiihi dahil nangangatog na siya sa lamig. Nakalabas­ kasi ang kanyang braso sa suot n’yang two-piece ensemble pants & sleeves top.

Dahil dito, laging hinahagod ni Joshua ang mga braso at kamay ni Julia para mainitan ito. Kung puwede nga lang yakapin ng aktor ang kasintahan sa harap ng media at ng mga fans ginawa na nito para mabahaginan ng init ng kanyang katawan ang kapareha.

‘Yung isang nakakakilig ay minamasahe ng Kapamilya actor ang palad ni Julia para ma-relax ito.

Sharon nag-react sa Father’s Day message kay Gabby

Tanggap ni Sharon Cuneta ang pagkakahawig ni KC sa kanyang ama na si Gabby Concepcion.

@reallysharoncuneta, “Lucky boy, KC exactly like her Pa! Inside ‘n’ out!”

Sumagot naman si KC sa mensahe ng ina na parang pabirong pina­tutsadahan niya ang ina.

@itskcconcepcion, “@reallysharoncuneta I hope that’s a good thing in your eyes.”

Sumagot naman si Gabby sa comment ng anak.

Related Posts

@concepciongabby, “@itskcconcepcion, I love you no matter what.”

Nag-comment uli si Sharon at isang nakalabas ang ngipin na emoticon.

Hindi lang malinaw kung ano kanino ang sagot na ito ni Sharon, kung kay KC o sa mensahe ni Gabby sa anak? Puwede ring itanong kung patutsada ba ito kay Gabby?

Karla may hugot sa ama

Nahanap na ni Karla Estrada ang kapayaan sa buhay niya. Hindi lang dahil sa estado ng kanyang mga anak partikular na ang Teen King na si Daniel Padilla, kundi sa kanyang ama na kailan lang niya nakita nang personal.

Kumbaga, minahal pa rin nito ang ama kahit iniwan siya.

@karlaestrada1121, “The longings, the missing and the questions..lahat yun nawalang saysay ng nakita at nakasama na kita. Happy Fathers Day sa aking ama @raymondford. Sa mga Panahon na ako lang mag isang bumuo ng eroplanong papel, bangkang papel, sa pagligo sa alulod ng bahay pagalakas ang ulan, makipag agawan sa mga ibon sa puno ng aratilis at sa lahat ng maraming pang ganap na ako lang ang humarap..salamat dahil ang tibay ng pag katao ko..salamat uli sa wakas buo na ang buhay ko..mahal kita.”

Ai-Ai ipinangalandakan ang katawan

Maging si Ai-Ai De Las Alas ay humabol sa bandwagon ng mga female celebrities na ipinapangalandakan ng kanilang sexy photos sa Instagram.

Ipinaskil ni Ai-Ai ang dalawa niyang larawan na naka-two piece. Ang isang lara­wan ay may nakasulat na 2010 at ang isa naman ay 2018.

Gustong ipakita ni Ai-Ai ang katawan niya noon na hindi nabago sa kasalukuyan. Nais rin n’yang ipagmalaki ang figure na nakuha niya sa ilang taon n’yang pagdidildil ng mga organic food.

Tama naman si Ai-Ai na halos walang pinagiba ang figure niya noon at ngayon kung ang pagbabasehan ay ang dalawang larawan.