Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia hirap kabugin sina Claudine, Gretchen

0 151

NI: ARCHIE LIAO

Para kay Julia Barretto, proud siya na maging bahagi ng kilalang showbiz royalty sa local tinseltown: ang Barretto clan.

Katunayan, na-inspire raw siya sa mga success stories ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga titang sina Claudine at Gretchen.

Happy rin siya na napapaligiran siya ng mga kamag-anak na pulos galing sa magagandang genes.

“Being surrounded by beautiful women. Ang gaganda nila lahat. Well, I love being a Barretto first of all because of my grandfather. That’s the best, best part about being a Barretto. Just having his blood and just being his granddaughter. And just having women you can look up to who are just so beautiful and wise. Even the guys though in the family are very, very you know, wise, handsome, fun,” pagbibida niya sa isang panayam .

Pero may disadvantage rin daw ang pagiging Barretto dahil aminado siyang may struggles siya sa pagkukumpara ng mga tao sa estado niya at sa tagumpay ng mga miyembro ng Barretto clan tulad nina Claudine at Gretchen. Minsan mahirap din higitan o kabugin ang mga tita niya.

Si Claudine ay isa sa well-sought actresses of her generation at nagtagumpay bilang box office star at award-winning actress.

Influential naman si Gretchen ang partner nito ay isang successful business magnate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.