Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia hubad sa bahay

0 652

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Julia Barretto na minsan ay natutulog siya nang hubo’t hubad sa kanyang bahay bilang namumuhay na nga siya nang solo at wala na sa poder ng kanyang inang si Marjorie Barretto.

Ini-reveal niya ito sa kanyang latest YouTube vlog titled “Spicy Mukbang Challenge +Q&A kung saan, habang sinasagot ang mga tanong ng fans ay kumakain siya ng spicy chicken wings, noodles at chips.

Isa sa mga tanong sa dalaga ay kung ano pa raw ang mga bagay na ginagawa niya nang naked bukod sa pagsa-shower.

SM food to go Banner Ad

“Sometimes, I sleep naked, to be honest. That’s one of the best things about living alone,” aniya.

“You can sleep naked, you can get food naked, you can walk around the house naked,” sey pa niya.

Natanong din sa kanya kung kailan at saan ang kanyang first kiss.

“I think my first kiss happened in the car. I don’t remember it anymore,” sagot niya.

Kung sino, siyempre, hindi na niya idinetalye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.