Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inako ang responsibilidad ng erpat

0 145

Sa kabila ng mga batikos na ikinukulapol kay Julia Barretto marami namang netizen ang nagtatanggol sa kanya.

Katunayan, marami ang bumilib sa young actress dahil sa pagiging mapagmahal at mapagkalingang anak nito sa inang si Marjorie Barretto at sa kanyang mga kapatid na sina Claudia at Leon.

Isang rebelasyon para sa mga netizen ang pagiging mabait na ate ni Julia sa kanyang brother na si Leon dahil sa ibinunyag ni Marjorie sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang post, pinasalamatan niya si Julia sa tulong nito para mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang brother sa Multiple Intelligence International School, isang prestihiyosong international school.

Sa kanyang emote, proud din si Marjorie sa pitong awards na nakuha ng anak na lalake upon graduation nito from high school.

“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldnt have done it all without your help. You must be so proud too, and missing you so much,” sey ni Marjorie.

Umani naman ng papuri si Julia sa mga netizen ang ginawang pagpapasalamat ng ina sa anak sa tulong nito sa kanilang bunso.

Sey ng ilang netizens, na-redeem na raw nito ang sarili sa pagiging nega star.

Selfless daw ito sa pagtataguyod sa pag-aaral ng kapatid, to think, na hindi naman ito nakapagtapos ng pag-aaral.

Hirit pa nila, mali ring husgahan ang ugali ng aktres lalo pa’t generous naman pala ito bilang anak at kapatid.

Dagdag pa nila, ano raw kaya ang masasabi rito ni Dennis na isa sa mga obligasyon ay bigyan ng magandang edukasyon ang kanyang mga anak.

Sharon ‘pumapak’ ng bagets

Samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen ang ilang eksena ni Sharon Cuneta sa kanyang pelikulang Revirginized kung saan kinain niya ang asin sa nips ng hubad na katawan ng leading man na si Marco Gumabao habang umiinom.

Kuha ang nasabing eksena sa isang beach kung saang suggestive na sexy rin ang kanyang outfit.

May mga bumilib kay megastar sa pagiging daring at experimental nito sa pagtanggap ng nasabing proyekto na idinirehe ni Darryl Yap.

Sey nila, good sport raw ang singer-actress at tila wa care na ito sa kanyang bashers.

Marami naman ang na-awkward sa nabanggit na larawan ni Sharon sa naturang post.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Susko!! How to unsee this?!”

“Que Horror”

“What is happening to mamang? Tumatandang paurong jusko!”

“Her husband and kids must be so proud of her!”

“Nagmumurang kamatis talaga si Tita Shawie.”

“Ang oa ng iba dito ha! Sa movie nman yan! Buti nga ginawa pa ni Sharon at good for her kasi napakasport nya.. Hahahaha”

“Someone who’s actually classy can decline offers like this. Maraming matandang sexy stars ang naghubad before pero di na gumagawa ng ganyang eksena ngayon. May mga images na silang iniingatan.”

“Ang sagwa! Ano bayan!”

“Sa dami ng pera ni Ate Shawie pwede naman siya mamili ng role. Bakit pati ito papatulan pa?”

“I don’t know why Sharon accepted this role. Far cry from her Madrasta, Bituin walang ningning days. It’s beneath her stature, or so I thought.”

Mystica ‘di pabor kay Sara

Sa kanyang Facebook account, tila inaayawan ng singer-actress na si Mystica ang anak ni Digong na si Sara Duterte.

Ito ay kaugnay ng napapabalitang pagtakbo umano ng nasabing Mayor ng Davao City para sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na 2022 national elections.

Di rin nagustuhan ni Mystica ang mga paandar ng supporters ni Sara sa “Run Sara Run”campaign ng mga ito.

Ani Mystica, hindi raw porke’t anak ng Presidente ang matapang na mayora ay may K na itong kumandidato bilang pangulo ng bansa.

Dagdag pa niya, hindi raw namamana ang pagkapangulo kaya huwag na kiti itong ipagpilitan.

“Ang isang tao, once na ibinoto mo dapat talagang ‘yung pwesto na ‘yon dapat they really deserve and earned it, hindi ‘yung minana lang,” ani Mystica.

Hirit pa niya, kung minana lang daw ang isang posisyon, ito raw ay bagay na hindi pinaghirapan ng isang kandidato.

Leave A Reply

Your email address will not be published.