Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inakusahang nangopya ng post

0 257

Pinag-usapan ang naging post ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account kung saan binati niya ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

May caption itong: “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

Isa namang netizen na may username na @yoona_lim ang nag-post ng screenshot ng caption ni Julia side by side sa lumang komento ng international K-pop star na si Tiffany Young na dating miyembro ng popular girl band na “Girls’Generation.”

Parehong-pareho ang nilalaman ng kanilang post maliban sa post ng tiffanyyoungofficial ay isang babae ang kasama ng influential Korean pop star at LGBTQ supporter.

Dahil dito, hindi nakalampas si Julia sa pamba-bash si Julia dahil naaakusahan itong nangongopya ng post.

May ilang namang nagsasabing baka nagkataon lang na nagkapareho ang kanilang post.

Nangyari na rin kasi ito na nagkapareho ng post ang estranged lovers na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo kung saan sa dalawang pagkakataon ay may caption silang “Slow Down” at “Trust the Timing of Your Life”sa kanilang mga Instagram accounts.

Utol ni Gerald kampi kay Bea

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung noong kasagsagan ng kontrobersya kina Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo ay nabuo ang mga nagmamanok ang mga kapanalig nina Bea (ang Team Bea) at Julia (Team Julia), tila naroon pa rin ang sympathizer ng bawat grupo.

Kung napag-usapan ang umanoý pasaring ni Janus del Prado, close friend ni Bea kamakailan, pinagpipiyestahan ngayon ang pag-like ni Ken, brother ni Gerald sa last post ng ex ng kapatid.

Ang post ay nangyari pagkatapos na umamin si Gerald sa estado ng kanilang relasyon ng girlfriend na si Julia Barretto.

Makahulugan ang huling sinasabi ng kanyang post na “Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”

Pagkakaintindi ng mga netizen, parang sinasabi ni Bea na panahon lamang ang makapagsasabi kung kanino sa kanila ni Gerald ang nagsasabi ng totoo.

Dahil sa pag-like ni Ken sa post ni Bea, iniintriga ang indie actor na kampi raw ito kay Bea.

May mga nagtatanong din kung may animosity daw na namamagitan kina Gerald at Ken.

Hirit naman ng iba, huwag na raw bigyan ng kulay ang pag-like ni Ken sa post ni Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.