Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inintrigang engaged kay Gerald

0 302

Naging usap-usapan ang ipinost ng celebrity doctor na si Hayden Kho sa kanyang Instagram account.

Ito ay may kinalaman sa pagbisita ng showbiz couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa bahay ng mga Belo.

Sa post, kasama ng JuRald sa photo ang mag-asawang Hayden at Dra. Vicki Belo at ang kanilang unica hijang si Scarlet Snow.

May caption itong: “I hear bells. Christmas bells.”

Dahil sa post na ito ni Hayden, iniintriga ng ilang kibitzers sina Julia at Gerald na engaged na raw umano ang dalawa.

Hirit naman ng ilan, hindi raw kaya dinalaw ng couple ang mag-asawang doktor dahil kinausap na nila ang mga ito na maging sponsors sa kanilang wedding.

Pang-iintriga naman ng iba, hindi raw kaya sabay na tutunog ng Christmas bells ang wedding bells.

Sa isang post naman ni Scarlet, makikitang inaayusan ni Julia ang anak nina Hayden at Vicki gamit ang kanyang aksesorya sa kanyang brand.

Kitang-kita rin ang fondness ni Julia kay Scarlet . Iba raw ang pagkagiliw niya sa huli . Ito ba’y dahil sa kagustuhan na rin nitong magka-baby na maaalagaan.

Matatandaang inamin noon ni Julia na kanyang vlog na bago siya umabot ng edad na 26 ay gusto na niyang magkapamilya at magkaanak.

Vice binuking ang komedyante na mabaho hininga

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa latest entry sa kanyang vlog, ipinakita ni Vice Ganda ang leisure trip nila sa Times Square sa New York kasama ang Beks Battalion members na sina Lassy at MC minus Chad.

Sa naturang segment, napagtripan nilang kumain ng halal food sa nasabing lugar sa Tate.

Sumalang din sila sa kakaibang challenge na ‘sino ang ihahalal ni Vice’ kung saan may babanggitin silang description ng tao at kung sino ang bet nilang i-nominate.

Sa first category kung sino ang pinaka-chaka sa mga kakilala nila, inilaglag nina Vice Ganda at MC si Lassy na kanilang ini-nominate.

Sa bakla namang komedyanteng may pinakamabahong hininga, unanimous ang naging choice nila na walang iba ito kundi si Chad Kinisn umano.

Sa kategoryang komedyanteng hindi nakakatawa sa comedy bar, naging nominado sina Anton Diva, Janelle Jamer at Inday Garutay.

Para kay Vice, hindi raw nakakatawa si Anton dahil mas magaling itong singer.

Sa katropa naman nilang hindi nagbabayad ng utang at wala na silang balak pautangin, nagkakasundo sila sa kanilang sagot na si Donita Nose.

Pero, kambyo naman ng It’s Showtime host, masaya raw naman siya kay Donita sa estado nito ngayon dahil sa halip na mangutang ay ito na raw ang nagpapautang.

Kung naging lalake raw naman sila, hindi papatusin nina Vice at MC si Lassy samantalang ang ininomina naman ni Lassy ay si Chad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.