Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inokray sa ‘drama royalty’

0 173

Marami ang halos mahibang sa katatawa matapos marinig ang paandar tungkol kay pretty young miss Julia Barretto.

Tinagurian kasi itong ‘drama royalty’ para sa isang palatuntunan na kanyang pinagbibidahan na hindi pa nga umeere, iniintriga na agad na copycat ng isang Korean drama .

Sa usaping drama royalty ang pamangkin nina Gretchen at Claudine, ang diva that you love, look na lang sa sky at hahayaang ang mga manood sa kanyang drama ang humusga kung karapat-dapat nga ba siya sa titulong hindi naman niya hiningi. Ibinigay sa kanya kaya tiyak pangangatawanan na ito ni Ms, Barretto.

Siyempre pa, may mga nagdadabog ang bangs at umaarko ang kilay tungkol sa kaganapang ito. Karapatan niyo namang bumula ang bibig. Pero magpa-stress much pa ba dahil dito? Huwag na!

Siguro na kung ang show niya ay “Galema, ang anak ni Zuma” na si Andi Eigenmann ang bida sa fantaserye o “Madonna, ang Babaing Ahas” na ang third force na si Snooky Serna naman ang nagbigay buhay, wala kayong kuda at hanash. At ang tanging talak niyo lamang ay “bagay na bagay” kay Julia ang mga katauhan.

Hahahaha.

Verzosa nagpasilip ng singit

If you have a devastatingly beautiful body, wala namang masama kung ipangalandakan mo ito . ‘Yan ang nga ang ginawa ni sixth Filipina Miss International Kylie Verzosa.

Sa kanyang IG photo post kung saan kasama niya ang kanyang boo Jake Cuenca, talagang the bold and the brazen si Kylie in her two piece black swimsuit. Ang mga barako, siyempre pa nagtigasan ang mga utong at ugat dahil nga ang pambaba niyang saplot, hindi sinasadyang may pasilip na singit. Kasi naman kakapiranggot ang kanyang bikini bottom, na alam na alam mo kung ano ang tinatibangan.

Receiving much appreciation and love ang kanyang romp on the beach photo kapiling si Juan Carlos, 336k likes and counting.

Ivana huhusgahan ang kasikatan sa pelkula

May lararawan muli si millennial bathaluman Ivana Alawi. Talaga namang tinatangi ng mga barakong totoo at mga babaing nagmamahal rin sa kapwa nila babae.

Ang kanyang salita tungkol sa pagiging maganda at kagandahan ang mababasa sa larawan na may almost 322K likes ay: “You are beautiful. You may not see it by I do.”

Ang suot ni Alawi ay talagang makatawag pansin, super girly white brassiere top kung saan ang strap ay nakalaglag sa kanyang braso .Uma-Alma Moreno ang awra ng ganda niya, sa true lang. Inosente pero alam mong may kaharutan.

Parang neneng-nene siya sa photo op na walang malay sa birds at the bees . Puwedeng-pwede na pumasa bilang sweet sixteen na never been kissed and touched at ang like niya lang sa buhay ay ice cream, teddy bear at lollipop.

Kaya ang mga macho demographic, grabe ang pagkarahuyo kay Ivana dahil iba-iba lagi ang nasisilayan nila sa kanya. May mga kuhang provocative. O, kaya larawang captured ang kanyang kabusilakan at walang kamalayan. At palagiang, babaeng-babae talaga na namumukadkad ang mapanghalinang pagkababae.

Naway sa malapit na hinaharap, hindi lang sa kanyang YT channel mamayagpag sa Ivana . Kung magkakapelikula ito o kaya palabas sa telebisyon na marami ang tatangkilik, masasabi talagang hindi “drawing” ang kanyang online kasikatan at talagang totoo ito. Marami kasi ang nagsasabi na libre kasi ang YT kaya marami siyang followers at subscribers.

Kaya pelikula talaga ang makakapagpapatotoo sa kanyang pagiging millennial bathaluman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.